Hinihingi ng panahon na makita sa kurikulum ang pagtataguyod ng makabayang edukasyon. Mahalagang makita ito sa aktuwalisasyon gamit ang isang dulog, paraan, o metodo ng pagtuturo. Bahagi ng panukalang makabayang edukasyon ang pagsanibin ang iba’t ibang ugnayan: guro-mag-aaral, nilalaman-pamaraan, at kasanayan-kapangyarihan na pinagtibay ng binuong mga bagong kurso upang itanghal ang diwang nasyonalismo. Sa pananaliksik na ito, naging batayan o konteksto upang dalumatin ang makabayang pedagohiya ang tatlong umiiral na bagong kurso sa Filipino sa Pangkalahatang Edukasyon mula sa hamon at panukala ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon. Pinagtibay ng mga kurso ang mithiing magkaroon ng tiyak na pundasyong makabayang pedagohiya ang bawat magiging guro mula sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Tiniyak ang panukalang pananaw sa dinalumat na makabayang pedagohiya mula sa binuong silabus upang itampok ang pekulyaridad ng makabayang pedagohiya. Mula sa payak na paglalarawan ng makabayang pedagohiya sa konteksto ng mga kurso, ambag ng pananaliksik ang yugto kung paano magplano, bumuo, at magpatupad ng isang pamamaraan upang matugunan ang kahingiang panlipunan. Bukas sa pagpapatuloy ang pananaliksik mula sa nakitang tugon ng guro at mag-aaral na isulong ang makabayang pedagohiya sa iba’t ibang kurso upang tiyakin ang adhikaing makalikha ng buo at ganap na mag-aaral. Mga Susing Salita: kurikulum, makabayang pedagohiya, nasyonalismo, silabus, ugnayan Nationalist education should be reflected in the curriculum in this time. It is necessary to actualize it using an approach, method, or technique in teaching. Part of this proposed nationalist education is the union of different connections: studentteacher, content-method, power-skills which are included in the new courses to extol the sense of nationalism. In this study, the basis or context to analyze the nationalist education is the three current new courses in General Education-Filipino from the proposal of Commission on Higher Education. These courses aim to have a grounded nationalist education for the future teachers from the Philippine Normal University. The syllabi were made in assuring the proposed perspective of scrutinizing nationalist pedagogy to feature peculiarity. From simple description of nationalist pedagogy in the context of different courses, the contribution of the study is the stage on how to plan, to create, and to implement a method to address the societal needs. The study is open for resumption based on the recommendations of teachers and students to promote nationalist pedagogy in different courses in aiming to nurture holistically developed individual.