KIMBERLY D. CUSI | ANGELA V. FACALARIN | CATHERINE D. MUNOZ
Ang pag-aaral na ito ay sumasalamin sa natatagong pamumuhay ng mga magasawang binubuo ng tomboy at bakla kabilang ang kanilang mga anak bilang iisang di tipikal na uri ng pagsasama ng mga taong kabilang sa ikatlong kasarian. Layon ng mga mananaliksik na alamin ang motibasyon sa pagsasama ng mga kalahok, kilalanin ang mga suliraning kanilang kinahaharap bilang isang pamilya, tukuyin ang mga suliraning kanilang kinakaharap bilang isang pamilya, tukuyin ang mga pamamaraang kanilang isinasagawa upang masolusyunan ang mga ito na pawang gagamitin bilang basehan ng kanilang sa pagbuo ng Sikolohiya na programa para sa mag-asawa at sa kanilang buong pamilya. Binubuo ng apat na pamilya ang mga kalahok na nagmula sa ibat ibang bayan ng Cavite, Batangas, Taguig at Pampanga. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang mga kaugnay na literatura na pinagbatayan ng pananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga metodo ng pagmamasid, pakikiramdam, pagtatanung- tanong at pakikipagkwentuhan upang makakalap ng datos. Sa kinahinatnan ng pagaaral ay natuklasan ng mga mananaliksik na sa kabila ng kaibahan sa tipikal na kinikilalang uri ng pamilya ay pagmamahal din ang siyang nagbuklod sa mag-asawang tomboy at bakla upang magsama at bumuo ng sariling tahanan. Gayundin ang kaisahan ng nararanasang suliranin ng walong kalahok, pangunahin ang diskriminasyon at pumapangalawa ang mga problemang kinakaharap ng tulad sa isang tipikal na uri ng pamilya. Samantala pawing nagiging pamamaraan nila ang pagharap sa mga suliraning ito ang pagtanngap, pagtutulungan at ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa loob ng tahanan. Isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang lahat ng impormasyong ito upang makabuo ng programang nakalaan sa pagpapaunlad sa sikolohikal aspeto ng buhay ng mga kalahok.