Discipline: Education, Literature, Filipino, Languages
Sa pagsasalin sa Filipino ng mga akdang kinatha ng ating mga awtor, sa anumang wika sinulat ang mga iyon--Tagalog, Iluko, Pangasinan, Bikol, Kapampangan, Subuhanon, Hiligaynon, Samarnon at Magindanaw, at ang mga sinulat din sa Ingles at Kastila-- ang ating kabang-yaman ng literaturang Filipino ay mag-uumapaw. Sa ganito'y mabubuwag na ang sistema ng edukasyon na tila nagtakdang ang literaturang Filipino na itinuturo sa wikang Filipino ay yaon lamang nakasulat sa Tagalog. Pati ang mga awtor na Arguilla, N.V.M. Gonzales, Villa, Joaquin, B.N. Santos, at iba pa na itinuturo lamang sa Ingles sa asignaturang Philippine Literature, ay mababasa na at maituturo na rin sa Filipino.
All Comments (1)
kyle
9 months ago
nasaan po yung study/article?