HomeAni: Letran Calamba Research Reportvol. 19 no. 1 (2023)

Dinamiko ng Komunikasyon sa Pagitan ng Gabriela Youth Southern Tagalog at Mamamayan ng Los Banos, Laguna

Cherry Ann S. Gara | Michaela Pamintuan

 

Abstract:

Ang pananaliksik na ito ay hinggil sa dinamiko ng komunikasyon sa pagitan ng Gabriela Youth Southern Tagalog (GYST) at mga mamamayan ng Los Baños, Laguna. Ang mga ispesipikong layunin ng pananaliksik ay matukoy kung paano nakikipag-ugnayan ang mga miyembro ng Gabriela Youth Southern Tagalog sa mga mamamayan ng Los Baños, Laguna; mailarawan kung paano tumatakbo ang komunikasasyon sa loob ng Gabriela Youth Southern Tagalog; at makilala ang mga balakid sa pagpapahayag ng pangangailangan at pananaw ng Gabriela Youth Southern Tagalog sa mamamayan ng Los Baños, Laguna sa konteksto ng pagiging babae. Upang makamit ang layunin ng pag-aaral, ginamit ang kwalitatibong pag-aaral mula sa deskriptibong pananaliksik at isinagawa ito sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) gamit ang malayuning pagpili (purposive sampling) sa mga kalahok. Ang ginamit na istrumento sa pangangalap ng datos ay ang lipon ng mga katanungan para sa pangkatang talakayan na ikinonsulta sa tatlong eksperto. Ang tematikong pag-susuri (Thematic Analysis) na mahusay sa pagsusuri ng mga datos na batay sa isang istraktura ay itinalaga ng mga mananaliksik. Ayon sa resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang dinamiko ng komunikasyon sa pagitan ng GYST at mamamayan ng Los Banos, Laguna ay may kahinaan at hindi sapat, ayon sa batayan ng teorya at komunikasyon. Ang kasanayan ng mga kalahok sa paghatid at pagtanggap sa komunikasyon ay hindi sapat upang madaling mabuo ang mga impormasyon. Ayon sa prinsipyo ng pag-aaral na ito, ang komunikasyon ay daan sa pagbibigay lakas na naging mahirap maabot para sa GYST dahil ang pagtutulungan ng mga teorya at komunikasyon ay nababalewala dahil sa halos mababang pagkaunawa ng mga kalahok na mamamayan, at ito ay lubos na nakakaapekto sa dinamiko ng komunikasyon ng bawat isa at ng GYST.