HomeBisigvol. 1 no. 1 (2014)

‘Sandaang Taon

Danilo Fabella

Discipline: Music

 

Abstract:

Isinulat ang Sandaang Taon bilang paksang awit ng dokumentaryong Proletaryo na inilabas noong 2002 sa okasyon ng ika-100 taon ng pagkakatatag ng militanteng unyonismo sa Pilipinas at ang napakahalagang papel na ginampanan ng mga manggagawa sa pagtatayo ng mga makabayang kilusan tulad ng Katipunan. Sa pamamagitan ng kompositor na si Danny Fabella at ng Musikang Bayan, nilikha nila ang Sandaang Taon bilang pagpupugay sa maningning at nagpapatuloy na pakikibaka ng manggagawang Pilipino. Ang awit ay bahagi din ng album na Anak ng Bayan ng Musikang Bayan. Sa mismong salita ni Danny Fabella, “Ang awit na ito ay bilang pagpupugay sa ika-100 taon ng kilusang paggawa sa Pilipinas at bilang pagkilala sa kabayanihan at kadakilaan ng uring manggagawa sa kanilang pakikibaka para sa isang lipunang malaya at makatarungan”.