Para sa Negosyo o Kalayaan? Pagsipat sa Dayuhang Pagmamay-ari at Kalagayan ng Manggagawa sa Media
Dennis Espada
Discipline: Economics, Media studies and Communication, Development Studies
Abstract:
Layon ng artikulong ito na magbigay ng ilang tala hinggil sa pagsibol at
pag-unlad ng tradisyunal na media sa Pilipinas gaya ng pahayagang nakaimprenta,
radyo, pelikula, telebisyon at adbertaysing, kabilang ang makabagong media gaya
ng pahayagang online at iba pang katulad. Ginalugad nito ang sumusunod na
panahon: kolonyalismong Espanyol at bago ito, kilusang reporma at ang Katipunan,
Guhit ng Tadhana ng United States, paghaharing militar, at kasalukuyang sitwasyon.
Sinikap buuin sa pamamagitan ng balik-aral ang panimulang pagtalakay sa
kasaysayan ng pagmamay-ari sa media, at ang mga interes sa ekonomiya at politika
sa likod nito. Bukod sa pagbanggit sa mga nangungunang media conglomerates
sa buong daigdig, hinimay sa artikulo ang epekto ng liberalisasyon sa balangkas
ng globalisasyong neoliberal, at ang panukalang charter change para lubusin ang
dayuhang pagmamay-ari sa media. Inilarawan dito ang papel ng mga maglilimbag sa
kasaysayan ng kilusang paggawa at walang-maliw na pagtaguyod ng mamamayan
sa demokrasya’t malayang pamamahayag, pati ang pagsiwalat sa unti-unting
pagpatay sa mga manggagawa sa media sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon
at mabilisang pagpatay sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng asasinasyon.
Minarapat na tukuyin ang ilang mga kabiguan ng media sa pagtupad ng tungkulin at
mga kahinaan sa mga pamantayan nito, kasabay ng pagbibigay-diin sa panawagan
para sa Pilipinisasyon.
References:
- Altermidya. (2015, January 10). Contractualization in the Media: An Injustice to Journalists, a Travesty of Public Service. Retrieved from https://pinoyweekly.org/2015/01/altermidya-statement-contractualization-in-the-media-an-injustice-to-journalists-a-travesty-of-public-service/
- Bagong Alyansang Makabayan. (2016, March 17). Bayan to Poe: Economic Nationalism, not Charter Change. Retrieved from http://www.bayan.ph/2016/03/17/bayan-to-poe-economic-nationalism-not charter-change/
- Center for Media Freedom and Responsibility. (2007). Philippine Press Freedom Primer. Makati City.
- Department of Labor and Employment. (2011). Department Order No. 18-A Series of 2011. Retrieved from https://dokumen.tips/documents/department-order-no-18-a-department-of-labor-and-dolegovphfndrbongfilesdo.html
- Ecumenical Institute for Labor Education and Research (2006). Proletaryo. Quezon City: Ibon Foundation
- Ellao, J. A. J. (2014, April 4). Railroading charter change. Bulatlat. Retrieved from https://www.bulatlat.com/2014/04/04/railroading-charter-change-2/
- Grafilo, P. A. (1992). Philippine Broadcast Media (Broad)casting its Spell. IBON Facts & Figures, 15(13), 1-7.
- Hofilena, C. F. (2004). News for Sale The Corruption & Commercialization of the Philippine Media 2004 Edition. Metro Manila: Philippine Center for Investigative Journalism.
- Institute of Media and Communications Policy (2015). Media Data Base – International Media Corporations 2015. Retrieved from http://www.mediadb.eu/en.html
- Konstitusyon ng Republika n\g Pilipinas, 1987 (1991). Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Retrieved from http://www.gov.ph/downloads/1987/02feb/19870211- Konstitusyon-CCA.pdf.
- Lema, K. (2016, March 16). Philippine Frontrunner Favours Easing Foreign Ownership in Media, Utilities. Reuters. Retrieved from http://www.dailymail.co.uk
- Malinao, A. L. (1997). Journalism for Filipinos Revised Edition. Mandaluyong City. National Book Store
- McQuail, D. (2010). Mass Communication Theory 6th Edition. London: Sage Publication
- Philippine Communication Centrum Foundation (2016). Media Museum. Retrieved from http://www.aijc.com.ph/PCCF/mediamuseum/timeline/timeline-main.htm
- Soliongco, I. P. (1981). Soliongco Today A Contemporary from the Past. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies
- Soriano, R. F. (2000). Aspects of Film Production Easy College Understanding. Booklore Publishing Corp.
- Talents Association of GMA Network (2016, May 1). NLRC entry of judgment for TAG vs GMA Network February 17, 2016. Retrieved from https://buhaymedia.wordpress.com/2016/05/01/news-nlrc-entry-of-judgment-for- tag-vs-gma-network-february-17-2016/
- Teodoro, L. V. (2016, March 31). Poe and the false promise of foreign media ownership. Businessworld. Retrieved from http://www.bworldonline.com/content.php?section=Opinion&title=poe-and-the-falsepromise-of-foreign-media-ownership&id=125311.
- Vizmanos, D. P. (2003) Martial law diary and other papers. Quezon City: Ken Incorporated
ISSN 2546-0765 (Online)
ISSN 2467-6330 (Print)