HomeBisigvol. 2 no. 1 (2015)

Balanseng Paggugrupo ng Trabaho: Ang Bisyon ng Parecon ni Michael Albert

U Z. Eliserio

Discipline: Economics

 

Abstract:

Ang papel na ito ay presentasyon ng bisyon ng ekonomiya ng partisipasyon, Participating Economics o parecon, ng Norte Amerikanong aktibista at manunulat na si Michael Albert. Bagaman sa unang tingin ay malabo ang relasyon ng mga ideya ni Albert sa mga isyung kinahaharap ng mga manggagawang Filipino, sa pamamagitan ng mabusising pagbabasa ng librong Parecon: Life After Capitalism ni Albert, inaasahan na maipamamalas ang relasyon ng kanyang konsepto ng “balanseng paggugrupo ng trabaho” sa mga problemang kinahaharap ng ating bayan at lipunan. Bilang ilustrasyon tatalakayin din ang mga naratibong “Pagbisita kay Ericson” ni Cristina Guevarra at “Mga Kotse sa Airport” ni Chuckberry Pascual, mga kontemporanyong manunulat na Filipino, bilang susog sa kaangkupan ng mga problema sa kasalukuyang pulitiko-ekonomikong orden na tinutuligsa ni Albert. Gayundin, may diskusyon ng ilang kwentong nabibilang sa genreng future fiction na sulat din ng mga Filipino, na magsisilbing prognosis ng ating kasalukuyang pulitikoekonomikong kaayusan. Argumento ng papel na hindi maaaring tiisin o repormahin na lang ang kapitalismo, at ang kinakailangan ay ang teoretikal na elaborasyon ng mga alternatibo dito.



References:

  1. Albert, M. (2003). Parecon: Life After Capitalism. London: Verso.
  2. Chikiamo, P. (2013). Carbon. Nasa Dean Alfar at Nikki Alfar (Mga ed.). The Best Philippine Specualitve Fiction 2005-2010 (57-71). Quezon City: UP Press.
  3. Guevarra, C. (2014). Pagbisita kay Ericson. Nasa R. Tolentino at R. Rodriguez (Mga ed.). Transfiksyon: Mga Kathang In-Transit (263-270). Quezon City: UP Press.
  4. Lacuesta, A. (2013). Reclamation. Nasa Dean Alfar at Nikki Alfar (Mga ed.). The Best Philippine Specualitve Fiction 2005-2010 (107-111). Quezon City: UP Press.
  5. Marx, K. at Engels, F. (2000). Manifesto ng Partido Komunista. (Salin) Zeus Salazar. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.
  6. Pascual, C. (2015). Kumpisal: Mga Kwento. Quezon City: UST Publishing House