HomeThe Trinitian Student Researchervol. 3 no. 1 (2010)

Sa Mata ng Isang Bata: Isang Eksploratoryong Pag-aaral ng Epekto ng Teleseryeng May Bukas Pa sa mga Piling Bata

Arlene Jane M. Alvarado | Lourdes Michaela Go Franco | Rubyann Grace F. Mayo | Swirtty Mae O. Nibley

Discipline: Child Development, Media

 

Abstract:

Ang pag-aaral ay isang eksploratoryo tungkol sa epekto ng teleseryeng May Bukas Pa sa mga piling bata na nakatira sa Kalye Mabilis, Barangay Pinyahan, ng Lungsod ng Quezon. Ang mga kalahok ay sampung mag-aaral na nasa ikalima at ikaanim na baitang ng Mababang Paaralan ng Pinyahan. Natuklasan sa ginawang pag-aaral na ito na naglalaman ang teleseryeng May Bukas Pa ng mga kaisipang nagpapahayag ng mga sumusunod: pananampalataya, wastong pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.