Ang Naging Makaldag na Lakbayin: Isang Pagsipat sa ilang Mahahalagang Yugto sa Kasaysayan ng Kritikal na Pamimilosopiyang Filipino
Mariefe Cruz
Discipline: Philosophy
Abstract:
Bukod sa pagiging akademiko at mananaliksik, malaki rin ang
hámon sa isang pilosoper na gampanan ang pagiging kritiko
ng kanyang lipunan. Sang-ayon dito, layunin ng kasalukuyang
artikulo na ilantad ang ilang manipestasyon ng gampaning ito
sa kontekstong Filipino sa pamamagitan ng pagsipat sa ilang
mahahalagang yugto sa Kasaysayan ng Kritikal na Pamimilosopiya
sa Filipinas. Nahahati sa tatlong yugto ang talakayang ito: (1)
ang Simulain ng Kritikal na Pamimilosopiyang Filipino noong
Panahon ng mga Propagandista, (2) ang Paghina nito Pagpasok
ng Dekada ’70 sa ilalim ng nabuong Diktadurya, at (3) ang Muling
Pag-igting nito pagkaraan ng Diktadurya. Susubuking maghabi
ng isang naratibo ang artikulong ito na maaaring makatulong
tungo sa pag-unawa sa naging makaldag na lakbayin ng Kritikal
na Pamimilosopiyang Filipino. Upang mahabi ang pambungad
na naratibong ito, ikakasangkapan dito ang ilang primaryang
teksto mula sa mga piling Filipinong Intelektwal na sumasalamin
sa gampanin ng pilosoper bilang kritiko at salamin ng kanyang
kasalukuyang konteksto. Kalakip nito, sasangguni rin ang
paghahabing ito sa naratibo ng mga Filipinong pilosoper tulad
nina Emerita Quito at Florentino Timbreza hinggil sa kanilang
pagdanas sa politikal na klima na nanaig noong Dekada ’70, na
siyang sumasalamin din sa naging paghina at muling pag-igting
ng Kritikal na Pamimilosopiyang Filipino noong panahong iyon.
Mahalagang masipat ang ilang mahahalagang yugtong ito sa
kasaysayan ng Kritikal na Pamimilosopiyang Filipino upang
magsilbing paalala sa naging ambag ng pilosoper bilang kritiko
sa kanyang lipunan at sa maaari pa niyang maging ambag sa ating
kontemporaneong panahon.
References:
- Abulad, Romualdo E. “Contemporary Filipino Philosophy.” Karunungan5 (1988): 1–13.
- ———. “Mga Puna Tungo Sa Pag-Asa.” Daop Diwa 2 (1978): 27–30.
- Alfonso, Ian Christopher B. “Ang Paninindigan Ng Mga Anak Ng Bulakan.” In Bulakan: Pag-Alaala Sa Biyaya Ng Nakaraan, 1:46–55. Bahay-Saliksikan ng Bulacan (Center for Bulacan Studies),Bulacan State University, 2012.
- Almario, Virgilio S. Ang Tungkulin Ng Kritisismo Sa Filipinas. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2014.
- Atim, Ben Carlo N. “Ang Diskurso ni Feorillo Petronilo Demeterio Tungkol sa Pilosopiyang Pilipino: Isang Pagsusuri.” Kritike 11, no. 2 (2017): 28–53.
- Bolaños, Paolo A. “What Is Critical Theory? Max Horkheimer and the Makings of the Frankfurt School Tradition.” Mabini Review 2, no.1 (2013): 1–19.
- Bonifacio, Andres. “Ang Dapat Mabatid Ng Mga Tagalog,” 1896. http://www.kasaysayan-kkk.info/kalayaan-the-katipunannewspaper/andres-bonifacio-ang-dapat-mabatid-ng-mgatagalog-c-march-1896.
- ———. “Marahas Na Manga Anak Ng Bayan,” 1897. http://www.kasaysayan-kkk.info/cavite-politics-in-a-time-of-revolution/andres-bonifacio-mararahas-na-manga-anak-ng-bayanfebruary-or-march-1897.
- Co, Alfredo P. “Doing Philosophy in the Philippines: Fifty Years Ago, Fifty Years from Now.” In Across the Philosophical Silk Road: A Festschrift in Honor of Alfredo P. Co, VI:49–62. Manila: UST Publishing House, 2009.
- ———. “In the Beginning... A Petit Personal Historical Narrative of the Beginning of Philosophy in the Philippines.” In Doing Philosophy in the Philippines and Other Essays, by Alfredo P. Co, 28–46. Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2009.
- Deleña, Mary Irene Clare O., Joshua Mariz B. Felicilda, and Leslie Anne L. Liwanag. “Si Demeterio at ang Pilosopiyang Pilipino: Pakikipanayam Tungkol sa Kanyang Ika-25 na Taong Pamimilosopiya.” Kritike 12, no. 1 (2018): 98–139.
- Demeterio, Feorillo Petronillo A., III. “Ang Kallipolis at Ang Ating Kasalukuyang Lipunan: Isang Pakikipagdiyalogo Ng Kritikal Na Pilosopiyang Filipino Sa Ang Republika Ni Platon.” Malay 24, no.1 (2011): 1–28.
- ———. “The Intellectual Heritage of the Pioneering Lasallian Philosophers. Hindi Pa Nalathalang Manuskrito,” n.d.
- ———. “Assessing the Developmental Potentials of Some Twelve Discourses of Filipino Philosophy.” Philippiniana Sacra XLIX (2014): 189–230.
- ———. “Status and Directions for ‘Filipino Philosophy’ in Zialcita, Timbreza, Quito, Abulad, Mabaquiao, Gripaldo, and Co”.” Φιλοσοφία: International Journal of Philosophy 14, no. 2 (2013): 186–215.
- ———. “Thought and Socio-Politics: An Account of the Late Twentieth Century Filipino Philosophy.” HINGOWA: The Holy Rosary Seminary Journal 8, no. 2 (2003): 45–73.
- [17] Jacinto, Emilio. “Gising Na Mga Tagalog!,” 1895. http://www.kasaysayankkk.info/1892-1895/emilio-jacinto-gising-na-mga-tagalog.
- ———. “Gomez, Burgos at Zamora!,” 1896. http://www.kasaysayankkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/emilio-jacintogomez-burgos-at-zamora-april-30-1896.
- ———. “Pahayag,” 1896. http://www.kasaysayan-kkk.info/kalayaan-thekatipunan-newspaper/emilio-jacinto-pahayag-c-march-1896.
- ———. “Sa Bayang Tinubuan,” undated. http://www.kasaysayan-kkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/emilio-jacinto-sabayang-tinubuan-undated.
- de Leon, Emmanuel C. “Ang Pilosopiya at Pamimilosopiya ni Roque J. Ferriols, S.J.: Tungo sa Isang Kritikal na Pamimilosopiyang Filipino.” Kritike 9, no. 2 (2015): 28–50.
- ———. Mga Tomasino Sa Pilosopiyang Filipino. Lungsod ng Maynila: Aklat ng Bayan, 2019.
- ———. “Sulyap Sa Kritisismo Ni Romualdo Abulad Sa Pamimilosopiyang Filipino.” Hasaan, 2019, 26–38.
- Mabini, Apolinario. “The Philippine Revolution.” Translated by Leon Ma. Guerrero, 1931. http://malacanang.gov.ph/8143-thephilippine-revolution-by-apolinario-mabini/.
- Mojares, Resil B. Brains of the Nation: Pedro Paterno, T. H. Pardo de Tavera, Isabelo de Los Reyes and the Production of Modern Knowledge. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2006.
- ———. Interrogations in Philippine Cultural History. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2017.
- Nakpil-Zialcita, Fernando. “Mga Anyo Ng Pilosopiyang Pilipino.” In Mga Babasahin Sa Pilosopiya: Epistemolohiya, Lohika, Wika at Pilosopiyang Pilipino, edited by Virgilio Enriquez, translated by Nicanor Tiongson. Manila: Philippine Psychology Research and Training House, 1983.
- Quito, Emerita S. “Philosophy as a Critique of Society.” Karunungan: A Journal of Philosophy 19 (2002): 38–45.
- ———. “Pulong-Isip: Meeting of Filipino Minds.” Karunungan 3 (1986): 1–29.
- ———. “The Role of the Philosopher as Social Thinker and Critic, Revisited.” Suri 2, no. 2 (2014): 4–19.
- ———. The State of Philosophy in the Philippines. Manila: De La Salle University Research Center, 1983.
- Salazar, Zeus A. Ang Kartilya Ni Emilio Jacinto at Ang Diwang Pilipino Sa Agos Ng Kasaysayan. Mga Pag-Aaral Sa Kasaysayan Ng Pilipinas 6. Quezon City: Palimbagan ng Lahi, 1999.
- ———. Wika Ng Himagsikan, Lengguwahe Ng Rebolusyon. Mga PagAaral Sa Kasaysayan Ng Pilipinas 8. Quezon City: Palimbagan ng Lahi, 1999.
- Timbreza, Florentino T. “Mga Tagapaghawan Ng Landas Ng Pilosopiyang Filipino.” In Sariling Wika at Pilosopiyang Filipino, 22–37. Lungsod ng Quezon: C&E Publishing, 2008.
- Valenzuela, Pio. “Katuiran Din Naman!,” 1896. http://www.kasaysayankkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/pio-valenzuelakatuiran-din-naman-c-march-1896.
ISSN 2546-0714 (Online)
ISSN 2012-2144 (Print)