HomeMabini Review Journalvol. 11 no. 1 (2022)

Ang Prusisyon Tuwing Semana Santa sa Lungsod ng San Pablo City, bilang Assemblage

Princess Gissel Servo

Discipline: Cultural Studies

 

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na mailahad ang makasaysayang paraan ng pagdiriwang ng prusisyon sa lungsod ng San Pablo tuwing Semana Santa. Ang mga sumusunod na suliranin ang tinangkang sagutin ng mananaliksik ukol sa prusisyon na idinaraos taon-taon sa bayang ito; Ang pangunahing suliranin ng papel na ito ay paano nabuo ang assemblage sa pagsasagawa ng prusisyon sa lungsod ng San Pablo? Ang pangunahing suliranin na ito ay nahati sa mga sumusunod na tiyak na suliranin: (1) Bakit nabuo ang assemblage? ; (2) Ano ang naratibo ng assemblage sa bayan ng San Pablo sa mga sumusunod: pagkasunog, pagkakahati, at muling pagbuo? ; (3) Paano kumakatawan ang assemblage sa kultura at pananampalataya ng mga taga-San Pablo?. Sa pagbuo ng papel na ito, ginamit sa pag-aaral ang assemblage sa konsepto nina Deleuze at Guattari upang mailahad ayon sa pagkakasunodsunod ang mahahalagang kuwento sa likod ng pagdiriwang. At para mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito, nagkaroon ng pakikipanayam ang mananaliksik sa mga mahahalagang tao na nasa likod ng pagdiriwang na ito, nagsimula sa mga tao sa simbahan, sumunod ay ang isang pribadong samahan na nagsasagawa rin ng prusisyon sa bayang ito na kilala sa tawag na Samahan ng Mahal na Pasyon at ang panghuli ay ilang mga deboto na nagmamay-ari ng mga imahen na isinasama sa nasabing okasyon.



References:

  1. Delos Reyes, Michael P. Prusisyon: Paghahanda at Pagdiriwang, Pinaunlad na Edisyon, Claretian Communications Foundations, Inc. 2018.
  2. Demeterio, F.P. A. III, at Orozco. The Sacred Images, Patronages and Rotuals of Obando Church, Bulacan: A Historiacal Investigation Using the Framework of the Deleuze-Guattari Assemblage.
  3. Dovey, Kim. Assembling Architecture. https://www.scribd.com/document/251195973/Assembling-Architecture-Kim-Dovey.
  4. Lunas, Bernadette. A Glimpse at the Life of a “Buena Familia.” Manila Standard Net, 31 October 2015, 7:30 p.m., https://manilastandard.net/mobile/article/190793.
  5. Nail, Thomas. What is Assemblage?. University of Winconsin Press, vol. 46, no. 1, 2017, pp.21-37.
  6. Venida, Victor S. The Santo and the Rural Aristocracy. Ateneo Manila University, vol. 44, no. 4, 1996, pp. 500-513.
  7. Kabilin Bantayanong Pasos Part 1. YouTube, uploaded by Jojo Bersales, 6 February 2012, https://www.youtube.com/watch?v=JoMuvtKkERM
  8. Kabilin Bantayanong Pasos Part 2. YouTube, uploaded by Jojo Bersales, 6 February 2012, https://www.youtube.com/watch?v=AcjhutezvMQ
  9. Kabilin Bantayanong Pasos Part 3. YouTube, uploaded by Jojo Bersales, 6 February 2012, https://www.youtube.com/watch?v=in-sntLaQsI
  10. Kabilin Bantayanong Pasos Part 4. YouTube, uploaded by Jojo Bersales, 6 February 2012, https://www.youtube.com/watch?v=wm8l-mTbpI0
  11. Kabilin Bantayanong Pasos Part 5. YouTube, uploaded by Jojo Bersales, 6 February 2012, https://www.youtube.com/watch?v=oQFPxotvhPs
  12. Kabilin Bantayanong Pasos Part 6. YouTube, uploaded by Jojo Bersales, 6 February 2012, https://www.youtube.com/watch?v=wyIwSY82o14
  13. Kabilin Semana Santa sa Bogo City Part 1. Youtube, uploades by Jojo Bersales, 26 May 2012, https://www.youtube.com/watch?v=Tbr4fmaJoWQ
  14. Kabilin Semana Santa sa Bogo City Part 2. Youtube, uploades by Jojo Bersales, 26 May 2012, https://www.youtube.com/watch?v=wdsKPGoiiK0
  15. Kabilin Semana Santa sa Bogo City Part 3. Youtube, uploades by Jojo Bersales, 26 May 2012, https://www.youtube.com/watch?v=tZRo8ryl4Ys
  16. Kabilin Semana Santa sa Bogo City Part 4. Youtube, uploades by Jojo Bersales, 26 May 2012, https://www.youtube.com/watch?v=tZRo8ryl4Ys
  17. Kabilin Semana Santa sa Bogo City Part 5. Youtube, uploades by Jojo Bersales, 26 May 2012, https://www.youtube.com/watch?v=9yRqip9v_Xo
  18. Kabilin Semana Santa sa Bogo City Part 6. Youtube, uploades by Jojo Bersales, 26 May 2012, https://www.youtube.com/watch?v=3GmtG803fic.
  19. Kabilin Semana Santa sa Bogo City Part 7. Youtube, uploades by Jojo Bersales, 26 May 2012, https://www.youtube.com/watch?v=e4ZJrv-VbKs