HomeBisigvol. 3 no. 1 (2021)

Ang Industriya ng Niyog sa Pilipinas Pagkalipas ng EDSA at ang Kalagayan ng mga Magniniyog sa Kanilang Panitikan

Romeo P. Peña

Discipline: Cultural Studies, Development Studies

 

Abstract:

Noong Enero 22, 1987, humigit-kumulang isang taon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino, maraming mga magsasaka ang nagmartsa sa mga lansangan ng Maynila upang iprotesta ang kawalan ng reporma sa lupang ipinangako ni Aquino noong nagsimula siyang manungkulan bilang pangulo. Sumagot ang administrasyong Aquino sa pamamagitan ng bala mula sa M-16 na kumitil sa 13 magsasaka at sumugat sa 51 nagprotesta malapit sa palasyo ng Malakanyang partikular sa Mendiola. Kasama sa mga nasawi ay ilang magniniyog. Layunin ng pag-aaral na ito na maihain at masuri ang mga panitikan ng mga magniniyog sa Pilipinas partikular sa Bondoc Peninsula na bahagi ng Lalawigan ng Quezon at mailatag ang naging kalagayan ng industriya ng niyog sa Pilipinas mula sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino.