Ang mga Diskurso ng Araling Pilipino na Umiiral sa mga Artikulo ng Malay Journal (The Discourses of Philippine Studies in the Articles of Malay Journal)
Leslie Anne L. Liwanag | May Mojica | Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Abstract:
Nakabatay ang papel sa paninindigang may limang iba’t ibang
diskurso ang araling Pilipino: 1) ang araling Pilipino bilang isang
neutral na diskurso; 2) ang kolonyal na araling Pilipino bilang
isang diskursong nakabatay sa kapangyarihan ng kanluran at
nagpapatibay sa nasabing kapangyarihan; 3) ang generic na
postkolonyal na araling Pilipino bilang diskursong pumuna
sa hegemonya ng kanluran; 4) ang Pilipinolohiya bilang isang
tiyak na postkolonyal na diskursong pinasinayaan ni Prospero
Covar; at 5) ang pantayong pananaw bilang isa pang tiyak na
postkolonyal na pinasinayaan naman ni Zeus Salazar. Samantala,
isang pandalubhasang peryodikal ang Malay Journal para sa
mga mananaliksik sa araling Pilipinong nagsusulat sa wikang
Filipino. Marahil ito na ang pinakarespetadong journal sa wikang
Filipino batay sa akreditasyon nito mula sa Commission on Higher
Education (CHED) at sa pagkalista nito sa ilang internasyonal
na abstracting at indexing na organisasyon. Layunin ng papel
na suriin kung ano ang pinakadominanteng diskurso ng araling
Pilipino ang nakapaloob sa mga artikulo ng journal na ito. Para
maisakatuparan ang nasabing layunin, hinimay ng papel ang 50%
na random sample ng mga artikulo mula 2011, kung kailan lubusan
nang nabago ang focus ng journal patungong araling Pilipino
hanggang 2015, ang kasalukuyang pinakahuling kumpletong taon
ng paglalathala ng journal.
References:
- Berreman, Joel. “Filipino Stereotypes of Racial and National Minorities.” The Pacific Sociological Review, 1(1), (1958) 7-12. DOI: 10.2307/1388608
- Brigham, John. “Ethnic stereotypes.” Psychological Bulletin, 76(1), (1971): 15–38. https://doi.org/10.1037/h0031446
- Garcia, Lilian (1976). “Ethnic Slurs in Chinese-Cebuano Relations.” Philippine Quarterly of Culture and Society, 4(2), (1976): 93-100. https://www.jstor.org/stable/29791258
- Gastardo-Conaco, Ma. Cecilia. “Social Categorization and Identity in the Philippines, Trans. Nat. Acad. Sci. Tech. Philippines, 15, (1993); 269-277. http://www.nast.ph/images/pdf%20files/Publications/NAST%20Transactions/NAST%201993%20Transactions%20Volume%2015/Social%20Categorization%20and%20Identity%20in%20the%20Philippines%20Ma.%20Cecilia%20Gastardo-Conaco%20-Social%20Sciences%20(Scientific%20Papers).pdf.
- Hunt, Chester. Ethnic stratification and integration in Cotabato. Philippine Sociological Review, 5(1), (1957): 13-38.
- Katz, Daniel & Braly, Kenneth. “Racial Stereotypes of One Hundred College Students.” Journal of Abnormal and Social Psychology, 28, (1933): 280-290. DOI: 10.1037/h0074049
- Madon, Stephanie., Guyll, Max, Aboufadel, Kathy, Montiel, Eulices, Smith, Alison, Palumbo, Polly, & Jussim, Lee. “Ethnic and national stereotypes: The Princeton trilogy revisited and revised.” Personality and Social Psychology Bulletin, 27(8) (2001): 996–1010.
- Pablo, Renato & Gardner, Richard. “Ethnic stereotypes of Filipino children and their parents.” Philippine studies, 35(3), (1987): 332–347. http://www.philippinestudies.net/files/journals/1/articles/2574/public/2574-2673-1-PB.pdf
- Tarlac State University. “History.” (2009). Tarlac State University Annual Report. https://www.tsu.edu.ph/media/210423/annualreport2009.pdf.
- Tiongson, Corazon. Philippine Majority-Minority Relations and Ethnic Attitudes. Filipinas Foundation, Inc., Makati, Rizal, Philippines,1975.
ISSN 2546-0714 (Online)
ISSN 2012-2144 (Print)