Ang Bamboo Organ ng Las Piñas: Pakikipanayam sa Apat na Susing Indibidwal ukol sa Kultural na Yaman ng Lungsod ng Las Piñas
Jezryl Xavier Genecera | Jay Israel B. De Leon
Discipline: philosophy and religious studies
Abstract:
Ipinakikilala sa papel na ito ang Las Piñas Bamboo Organ bilang
isang kultural na yaman. Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa
maituturing na apat na susing indibidwal na may kinalaman sa
bamboo organ, tinatalakay sa papel ang kasaysayan, kasalukuyang
kalagayan, at mga gawaing kaugnay ng pangangalaga at
pagtataguyod ng bamboo organ. Napili ang pakikipanayam, isang
metodo ng kasaysayang pasalita, upang maibahagi mismo ng mga
taong sangkot ang kanilang sariling gunita at karanasan na hindi
karaniwang natatampok sa mga dokumentong naisulat tungkol sa
bamboo organ. Natukoy ang sumusunod na temang nangibabaw
sa pakikipanayam: (1) pagpapakilala kay Padre Diego Cera
bilang organ builder, (2) mga udyok sa paggamit ng kawayan
bilang pangunahing materyal ng bamboo organ, (3) kalidad
ng tunog ng bamboo organ, (4) restorasyon ng bamboo organ,
(5) pagsisimula, mga layunin, at mga gawain ng Bamboo Organ
Foundation, Inc., (6) pagsisimula at mga layunin ng International
Bamboo Organ Festival at mga gawaing kaugnay nito, (7) mga
suliraning kinakaharap ng bamboo organ, at (8) kahalagahan
ng pagsasanay ng mga susunod na organista. Tinukoy rin ng
mga mananaliksik ang mga implikasyon ng konserbasyon
ng bamboo organ sa mga aspektong ekonomiko, panlipunan,
pangkapaligiran, at pangkultura ng buhay-lipunan ng lungsod
batay sa mga potensiyal nito para sa pag-unlad. Ang papel na ito
ay maaaring mapakinabangan ng mga mananaliksik sa hinaharap
bilang primaryang batis para sa bamboo organ at maging para sa
kasaysayang lokal ng Las Piñas.
References:
- Baruch, Spinoza. A Spinoza Reader. Edited and translated by Edwin
- Curley. New Jersey: Princeton University Press, 1994.
- Harvey, David. Rebel Cities: From Right to the City to the Urban Revolution. London: Verso, 2012.
- ________. Seventeen Contradictions and the End of Capitalism. New York: Oxford University Press. 2014.
- ________. Social Justice and the City. Athens, Georgia: The University of Georgia Press, 2009.
- ________. Spaces of Capital: Towards a Critical Geography. New York: Routledge, 2001.
- ________. The Enigma of Capital. New York: Oxford University Press, 2010.
- ________. The Limits to Capital. London: Verso, 2005.
- ________. Ways of the World. New York: Oxford University Press, 2016.
- Engels, Friedrich. Karl Marx and Friedrich Engels Collected Works Vol.25. New York: International Publishers, 1987.
- Fisher, Mark. Capitalist Realism: Is There No Alternative? UK: Zero Books, 2009.
- Foster, John Bellamy, Brett Clark, and Richard York. Ecological Rift: Capitalism’s War on Earth New York: Monthly Review Press, 2010.
- ________ and Fred Magdoff. What Every Environmentalist Needs to Know about Capitalism: A Citizen’s Guide to Capitalism and the Environment. New York: Monthly Review, 2011.
- Hegel, George Wilhelm Friedrich. Science of Logic. New York: Cambridge University Press, 2010.
- Lefebvre, Henri. Survival of Capitalism. New York: St. Martin Press, 1976.
- ________. State, Space, World: Selected Essays. Edited by Neil Brenner and Stuart Elden Minneapolis: University of Minnesota Press, 2009.
- ________. Writing in the Cities. Translated and edited by Eleonore Kafman and Elizabeth Lebas. Massachusetts: Blackwell Publishers Inc., 2000.
- Marx, Karl. Capital: A Critique of Political Economy Volume 1. London: Penguin Books, 1990.
- ________. Capital: A Critique of Political Economy Volume 3. London: Penguin Books, 1991.
ISSN 2546-0714 (Online)
ISSN 2012-2144 (Print)