HomeLPU-Laguna Journal of Arts and Sciencesvol. 4 no. 2 (2022)

Ang Magkamali ay Pipingutin Ko: Pagkilatis sa Pamumuhay ng Pamilyang Pilipino sa Modernong Panahon

Micaella Arcemo | Kristine Dominique Mirabuna | Fernando Garcia

Discipline: Education

 

Abstract:

Lubos ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang pamilya sapagkat malaki ang ginagampanang papel nito sa paghubog ng reyalidad ng bawat indibidwal. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabagong nagresulta sa mga tradisyunal (payak at extended) at hindi tradisyunal (blended, childless, live-in arrangements, reversed role, same-sex family arrangements, at single parent household) na pamilyang Pilipino. Layunin ng pananaliksik na (1) tukuyin ang iba’t ibang uri ng pamilyang Pilipino sa modernong panahon, (2) alamin ang mga dinamiko ng bawat uri nito (depinisyon ng pamilya, istruktura, komposisyon, at mga katangian o kaugalian), (3) ilahad ang mga positibo at negatibong dulot ng mga dinamiko ng pamilyang Pilipino sa kani-kanilang pamumuhay sa indibidwal at kolektibong lebel, (4) tukuyin kung mayroong pagkakaiba sa pamumuhay ng mga Pilipinong mula sa tradisyunal at hindi tradisyunal na pamilya, at (5) alamin ang ugnayan sa pagitan ng mga dinamiko ng mga pamilyang Pilipino at kanilang pamumuhay sa lipunan. 10 mag-aaral mula sa Lyceum of the Philippines UniversityLaguna ang lumahok. 5 ang mula sa tradisyunal na pamilya at 5 ang mula sa hindi tradisyunal na pamilya. Lumabalabas na walang pinagkaiba sa pagitan ng tradisyunal at hindi tradisyunal na grupo batay sa kanilang mga pananaw sa konsepto at katangian ng pamilya. Kahit na sila ay may pagkakaiba sa istruktura at komposisyon, ang lahat ng pamilya ay may iisang layunin at dahil dito, nararapat silang irespeto. Sa modernong panahon, nararapat na lawakan ng mga Pilipino ang kanilang pananaw at gumamit ng mga sensitibong termino sa pagkilala ng bawat pamilyang Pilipino.


All Comments (1)