Ang Hirap at Ginhawa sa Mapanghamong Pamumuhay ng mga Maralitang Mag-asawang Pilipino sa Gitna ng Pandemya
Glenmark B. Villanueva | Ma. Angelica Blessing Agaid | Joshua Mari B. Lumbera | Arlene P. Gloria
Discipline: counselling, psychotherapy and occupational therapy
Abstract:
Malaki ang epekto ng pandemyang COVID-19
sa pamumuhay ng mga Pilipino, partikular na ng mga
maralita. Naging mas mapanghamon ang kanilang
pamumuhay, kaya naman kataka-taka kung papaano nila
sinusubukang kamtin ang ginhawa— katutubong konseptong
Pilipino. Ang interes na ito ang nagtulak sa amin upang
alamin kung paano namumuhay ang mga maralitang magasawang Pilipino sa pandemya, tuklasin ang kanilang
konsepto ng hirap at konsepto ng ginhawa, at unawain kung
paano makamit ang ginhawa. Nagpakuwento kami sa
walong pares ng maralitang mag-asawang Pilipino sa
Cabuyao, Laguna. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan
ng KJ analysis. Lumabas na sa kasalukuyan, sila ay
namumuhay nang may pangamba sa kalusugan, naiipit sa
pagdedesisyon sa dalawang bagay, mas nakararanas ng
kagipitan, at umaangkop sa mga pagbabagong dulot ng
pandemya. Natuklasan ding ang hirap ay nagmumula sa
kawalan ng hanapbuhay, kagipitan, at hindi magandang
relasyon sa kapwa, at nararanasan kung may kabigatan ng
loob; at ang ginhawa ay nagmumula sa payak na
pamumuhay, hanapbuhay, kawalan ng sakit, at maayos na
relasyon sa pamilya at kapwa, at nararanasan kung may
panatag at maluwag na loob. Natuklasan din na ang
pagkamit ng ginhawa ay nakabatay sa konsiderasyon sa
ilang mga salik sa kontrol ng tao.
The effect of the COVID-19 pandemic on the lives of the
Filipinos is evident, particularly on poor families. Their lives
became more challenging, which sparked our curiosity on
how they try to achieve ‘ginhawa’— an indigenous Filipino
psychological concept. This interest pushed us to conduct
the study; we sought to know how do poor Filipino married
couples live in the pandemic, discover their concepts of
‘hirap’ and ‘ginhawa’, and understand how to achieve
‘ginhawa’. We used pagpapakuwento among eight pairs of
poor Filipino married couples in Cabuyao, Laguna. Then,
the data were analyzed using KJ analysis. Analysis revealed
that currently, poor Filipino married couples live with fright
for their health, are stuck in deciding between two things,
have tighter budget, and are coping to the changes brought
by the pandemic. We also found out that ‘hirap’ may be a
result of losing their ‘hanapbuhay’, living with a tight
budget and having conflicts with their ‘kapwa’, and is
experienced through ‘kabigatan ng loob’; for ‘ginhawa’, it
may come from living a simple life, having a ‘hanapbuhay’,
being healthy, and maintaining good relationships with their
families and ‘kapwa’, and is experienced through ‘panatag
at maluwag na loob’. We also discovered that to achieving
‘ginhawa’ is based on few considerations related to a
person’s control.
References:
- Andres, P. M. Hilot: Isang Hulagway sa Pag unawa sa Pagpapagaling ni Hesus. DLSU Arts Congress 2020: The 13th DLSU Arts Congress (p. 10). Manila: De la Salle University. Angeles-Agdeppa, I., Lenighan, Y., Jacquier, E., Toledo, M., & Capanzana, M. (2019). The Impact of Wealth Status on Food Intake Patterns in Filipino School- Aged Children and Adolescents. Nutrients. 2019 Dec; 11(12): 2910., doi: 10.3390/nu11122910. 2020.
- Arrelano-Carandang, M. L., & Ortigas, C. D. Essence of wellness : essays in Philippine clinical and counseling psychology. Quezon: Ateneo de Manila University Press. 1993.
- Calano, M. Ginhawa as Ethic of Panatà: Body Politics and the Devotion to the Black Nazarene. Budhi . 2018, Vol. 22 Issue 2, 43-74. 2018. [4] Calano, M. J. Interiority Interiority, Traslación, and the De aslación, and the Devotion t otion to the Black Nazaro the Black Nazarene. Kritika Kultura, Ateneo Journals, 5-20. 2020.
- Chua, M. C. Ang Kaugnayan ng Mabuting Kalooban sa Dalumat ng Kalayaan at Pagkabansa ng Katipunan.Saliksik E-Journal, 81-83. 2014.
- De Mesa, J.M. Why Theology is Never Far from Home. Manila: De La Salle University Press, Inc., 2003.
- Doroja, D. Life and Death: The Absence of Ginhawa asthe Cause of Sorrow. 2020.
- Enriquez, V. Kapwa: A Core Concept in Filipino Social Psychology. Philippine Social Sciences and Humanities Review 45 (1-4), 100-108. 1978.
- Galano, C. "Walang Taong Walang Kwenta":Pagpapakahulugan ng mga Estudyante sa Hayskul. Diliman Review No. 65 (1), 28-58. 2021.
- Lopez, M. C. Dama at Damdamin: Ang Tropikalidad ng Ginhawa sa Epikong Kudaman. KATIPUNAN: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining, at Kulturang Filipino, 160-183. 2019.
- Maceda, T. G. Diskurso ng Katipunan sa Kaginhawaan:Pag-ugat at Pagyabong ng mga Kilusang Panlipunan. In C. J. Paz, Sa Ginhawa, Kapalaran, Dalamhati: Essays on Well-Being, Opportunity/Destiny, and Anguish (pp. 47- 60). Quezon City: University of the Philippines Press. 2008.
- Mercado, L. Soul and Spirit in Filipino Thought. Philippine Studies, Vol. 39, No. 3, 287-302. 1991.
- Misa, R. P. Ang Konsepto ng Kaginhawahan at Pag-ibig sa Pag-ibig sa Tinubuang Bayan ni Andres Bonifacio. TALA: An Online Journal of History, 50-55.2018.
- Morales, M. R. Defining Diskarte: Exploring Cognitive Processes, Personality Traits, and Social Constraints in Creative Problem-Solving. Philippine Journal of Psychology, 114-139. 2017.
- Muyco, M. Hearing Ginhawa In and Out of Panay Culture. Danyag: Philippine Journal of Social Sciences and Humanities Vol. 22 Nos. 1 & 2. 2020.
- Orteza, G. O. Pakikipagkwentuhan: Isang Pamamaraan ng Sama-samang Pananaliksik, Pagpapatotoo at Pagtulong sa Sikolohiyang Pilipino. Hanbuk ng Sikolohiyang Pilipino Bolyum 1: Perspektibo at Metodolohiya, 524-526. 1997.
- Parafox, Q. “Kamag-anakan natin yan:” Ang pag-asam ng ‘ginhawa’ bilang motibasyon sa pagboto at ang sistema ng kamag-anakan sa lokal na halalan Isang Panimulang Pag-aaral. 12th DLSU Arts Congress. 2019.
- Paz, C. Ginhawa, kapalaran, dalamhati : essays on well- being, opportunity/destiny and anguish. Quezon City: UP Press. 2008.
- Pe-Pua, R. Unpacking the Concept of Loob: Towards Developing Culture-Inclusive Theories. In R. Pe-Pua, Handbuk ng Sikolohiyang Pilipino (pp. 382-393). Quezon City: The University of the Philippines Press. 2018.
- Rodriguez-Tatel, M.J.; Navarro, A.M.; Tatel, C.P.; Ubaldo, L.R.; Villan, V.C.; at Chua, M.C. Diksyonaryo Ng Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan. Manuskritong di pa nailalathala. National Commission on Culture and the Arts, Manila, Philippines. 2011.
- Santos, M.J. Ginhawa, Hanapbuhay, Himagsikan:Tungo sa Isang Pilipinong Pagdadalumat ng Katarungang Panlipunan/Katuwirang Bayan. TALA 3:1, 58- 79. 2020.
- Samaco-Zamora, M. C., & Fernandez, K. T. A. Grounded Theory of Filipino Wellness (Kaginhawaan). Psychological Studies. 2016.
- Salazar, Z.A. Ang Kamalayan at ang Kaluluwa: Isang Paglilinaw ng Ilang Konsepto sa Kinagisnang Sikolohiya. Nasa Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo, at Gamit, pat. Rogelia Pe-Pua, 89-32. Quezon City: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, 1982. 1976.
- Scupin, R. The KJ Method: a Technique for Analyzing Data Derived From Japanese Ethnology. Human Organization, Vol. 56, No. 2, 233-237. 1997. 1997.
- Spool, J. M. The KJ-Technique: A Group Process for Establishing Priorities. Mula sa Center Centre: https://articles.uie.com/kj_technique/ 2004.
- SyCip, L., Asis, M. M., & Luna, E. M. The meaning and measurement of well- being : review of the research literature. Quezon: University of the Philippines, Center for Integrative and Development Studies. 1993.
- Tuason, M. Those who were born poor: A qualitative study of Philippine poverty. International Perspectives in Psychology Research Practice Consultation, Vol. 1(S), 38-57. 2008.
- Tuason, M. The Poor in the Philippines: Some Insights from Psychological Research. Psychology and Developing Societies 22(2), 299-330. 2010.