HomeDAVAO RESEARCH JOURNALvol. 9 no. 1 (2013)

Varyasyon ng mga Terminong Kultural na Pangkabuhayan sa Katutubong Mandaya ng Davao Oriental

Raymund M Pasion | Mary Ann S Sandoval

Discipline: Cultural Studies

 

Abstract:

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang varyasyon o mga varyasyon ng mga terminong kultural na pangkabuhayan tulad ng pagsasaka, pangangaso, pangingisda at paghahayupan na ginagamit ng mga Mandayang matatagpuan sa mga munisipalidad ng Manay, Caraga, Baganga at Cateel ng Probinsiya ng Davao Oriental batay sa kanilang Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) at pagsasalin sa The Swadesh Word List ni Morris Swadesh. Disenyong Kwalitatibo ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang paraan o metodong indehinus at deskriptibo ang ginamit mula sa paglilikom hanggang sa pag-aanalisa ng mga datos. Kungsaan, ang mga impormante ay napili sa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snow-ball sampling. May varyasyon ang wikang Mandaya sa apat na munisipalidad. Sa kabuuang bilang na 2,402 mga terminong kultural na pangkabuhayan ng wikang Mandayang nalikom, ang terminong pagsasaka ay may kabuuang 195 mula sa Caraga at Manay, 188 sa Baganga, at 182 Cateel. Samantalang, sa kabuuan na 142 terminong kultural sa pangangasong nakalap mula sa Caraga, ang mga ito ay pawang may katumbas o katulad ding termino sa Manay at Baganga. Tanging sa munisipalidad lamang ng Cateel ang mayroong apat na katawagang hindi natumbasan nito. Sa kabuuan ding 169 na mga terminong kultural sa pangingisda mula sa Caraga, Manay at Baganga, hindi lahat ng mga ito ay natumbasan sa Cateel sapagkat may dalawang katawagan ang hindi nito nahanapan o nabigyan ng katumbas. Subalit, ang kabuuang 101 terminong kultural sa paghahayupan ang nalikom mula sa Caraga ay natutumbasan o may katulad itong termino sa Manay, Baganga at Cateel.



References:

  1. Austero, C., etal. (2007). Komunikasyon saAkademikong Filipino.PasigCity: UnladPublishingHouse.
  2. Bailey. C. (1973). Variation and Linguistic Theory. Washington DC: Center for Applied Linguistics.
  3. Bernales, R., et al. (2007). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon_ Batayan at Sanayang Aklat sa Fllipino 1, Antas Tersyarya, Binagong Edisyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
  4. Chambers, J.K &PeterT. (1994). Dialectology. New York: Cambridge University Press.
  5. Conrad, S. & Douglas B. (Eds.). (2001). Variation in English: Multi-Dimensiona’ Studies, England: Pearson Education Ltd.
  6. Coupland, N. (2007). Style: Language Variation and Identity, Cambridge: Cambridge University Press.
  7. Ekert, P. &Rickford, J. Eds.). (2001) style and SociolinguisticVariation_ Cam bridge: Cambridge University Press, 2001.
  8. Fromklin, V. et al. (2003). An Introduction to Language (7th Ed.). Thomson: Heinle. Giles, H., et al. (Eds.). (1991). Context of Accommodation: Developments in Applied Sociolinguistics. Cambridge: Cambridge University Press.
  9. Gumperz, J. & Hymes, D(Eds). (1. Directions in Sociolinguistics. Oxford: Basil Blockwell Ltd.
  10. Halliday, M. et al. (1964). The Linguistic Sciences and Language Teaching. London: Longman, Green and Co. Ltd.
  11. Peregrino, J., Constantino, P. & Ocampo, N. (Eds.). (2002). Minanga, tvtga aabasahin sa Varayti  at Varyasyon  ng  Filipino.  Quezon  City:  Sentro  ng W5kang  Filipino, Unibersidad ng Pilipinas.
  12. Santos, A. L. & Hufana. N. (2008). Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon, Teksbuk-Workbuk sa Filipino 1. Malabon City: Mutya, Publishing House, Inc.
  13. Poplack, S. (1993). Variation Theory and Language Contact. In Preston, D.R. (Ed.), American Dialect Research (pp. 251). Philadelphia John Benjamin B.V.
  14. Lewis, PM_, Simons, (S.F. & Fennig, C.D. (eds.). 2013. Ethnologue: Languages of the World, Seventeenth edition. Dallas, Texas: SIL International. Retrieved from http:// wmv.ethnologue.com
  15. NCIP (National Commission on Indigenous Peoples). (2012). Retrieved June 5, 2012 from http://wwu.ncip.gov.ph