HomeDAVAO RESEARCH JOURNALvol. 9 no. 1 (2013)

Kabisaan ng Sanayang Aklat sa Paglinang ng Filipino 3 (Retorikang Filipino)

Raymund M Pasion | Mary Ann S Sandoval

Discipline: Cultural Studies

 

Abstract:

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang kabisaan ng binuong sanayang aklat para sa asignaturang Filipino 3 (Retorikang Filipino) na ginamit ng mga estudyante sa DOSCST, Lungsod ng Mati, unang semester, taong panuruan 2000. Metodong eksperimental at disenyong kwantitatibong ginamitan ng match grouping ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Ito ay isinagawa upang makuha ang datos sa pre-test at post-test na ibinigay sa pangkat kontrol at eksperimental. Ginamit din ang binuong kagamitang pampagtuturo “Sanayang Aklat sa Paglinang ng Filipino 3” at talatanungang ipinamahagi sa pangkat eksperimental bilang instrumento sa pagbatid ng kabisaan ng paggamit nito sa pagtuturo. Ang pangkat kontrol at pangkat eksperimental ay walang makabuluhang pagkakaiba sa kanilang natamong iskor sa pre-test. prelim, midterm, at final, na pagsusulit dahil pare-parehong mababa ang natamo nilang iskor. Subalit, may makabuluhang pagkakaiba naman ang iskor sa post-test sapagkat malaki ang natamong iskor ng pangkat na gumamit sa Sanayang Aklat kaysa sa pangkat na hindi gumamit. Samantala, may makabuluhang pagkakaiba ang dalawang pangkat sa kanilang markang natamo (gaining grade) sa prelim, midterm at final dahil malaki ang natamong marka ng pangkat eksperimental kaysa sa pangkat kontrol. Samakatuwid, malaki ang naitutulong ng Sanayang Aklat upang makatamo ng matataas na marka. Kapansinpansin ding mayroong makabuluhang pagkakaiba ang kanilang markang natamo sa asignaturang Filipino 3 dahil mataas ang natamong marka nila sa Filipino 3 kaysa sa Filipino 2. Samakatuwid, higit nalilinang ng mga respondente ang kanilang kabatiran sa Filipino 3 lalo na sa pangkat na gumamit ng Sanayang Aklat. Higit sa lahat, 96% sa mga respondente (pangkat eksperimental) na pinamahagian ng binuong kagamitang pampagtuturo ay labis na sumasang-ayon sa pagkakaroon ng sanayang aklat upang mapadali ang kanilang pagkatuto at pag-uunawa sa mga paksang tinalakay sa naturang asignatura.



References:

  1. Alberto. V. p. 1990. Development and Validation of Self-Instructional Modules for Prospective Science Teachers. Research Journal, Official Publication of the School of Graduate Studies Bukidnon State (BSC), Malaybalay Bukidnon, Vol. X, No. 1.
  2. Alfabeto, E. D. 1998. Workbook in Writing for First Year Students. Research Journal, Official Publication of the School of Graduate Studies Bukidnon State college (BSC) vol. XII. NO.1, 3rd
  3. Aquino.  M, A.  1998.  The  Teacher  the  Last  Bastion  of  Virtues,  The Anchor  of Philippines Slavery. The Modem Teacher, Vol. XLVII, No. 7.
  4. Barcebal, A. A. ‘934. Instructional Materials in Reading for Specific Purposes for High School Fresrnen. Di-nakalimbag na Master Tesis. Philippine Normal College.
  5. Pagkalinawan, L. C. 2006. Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika sa Pagdevelop ng
  6. Kasanayang Pangkomunikativo: Mga Tunguhin at Estratehiya. papel na binasa sa 9h Philippine Linguistic Congress (25-27 Enero 2006) ng Department of Linguistics, Unibersidad ng Pilipinas.
  7. Peregrino.  B.  1997.  Mahalagang  Estratehiya  sa  Pagtuturo  ng  Filipino  Seminar Workshop sa Filipino, Xavier University Cagayan de Oro City.
  8. Sales, p, T. It’s Nice To Be A Teacher. The Modem Teacher Vol. XLVII, No. 7. Corcino, M.D. 1986. A Work Book in Reading Vocabulary Skills Development for
  9. Grade Six pupils. Di-nakalimbag na Master Tess. Bukidnon State College (BSC), Malaybalay Bukidnon.
  10. Flores. B. J. 1985_ A Learning Materials in Flipino on Communicative Competence. Di-nakarmbag na Master Tesis. Bukidnon State College (BSC), Malaybalay Bukidnon.
  11. Guemen, P C. et al. 1995. Tanging Garnit sa Filipino. Manila: Rex printing Company, Inc.
  12. Lardizabal, A. S. et al. 1991. Principles and Methods of Teaching. 3rd Edition. Quezon City: Phoenix publishing House, Inc.
  13. Omsstein, A. C. 1992. Strategies for effective Teaching. New York: Harper Collins Publishers.
  14. Sandoval, M.S. & Semorlan. TIP. Paghahanda ng Instruksyunal na mga Kagamitan (Salik sa Mahusay na Pagtuturo at Mabisang Pagkatuto), Iligan City: Departamento ng Filipino at Ibang mga wika. MSU-IIT.
  15. Sibayan, B. p Ang kahulugan ng 100-Taong Plano para sa Wkang Filipino. Journal ng Komisyon sa ‘”kang Filipino (KWF): Watson BLDG., lgio J.D. Laurel San Miguel. Manila.