Propayl at kakayahang pampananaliksik ng mga guro sa Senior High School, Dibisyon ng Catanduanes: Isang panimulang pagsipat tungo sa pagbuo ng mungkahing gawaing pangekstensyon
Jaime T. Amante Jr
Discipline: Education
Abstract:
Hindi matatawaran ang ambag o benepisyong dulot ng pananaliksik sa lahat ng
larangan. Sa edukasyon, ang pananaliksik ang itinuturing na pundasyon ng mga
bagong kaalamang inilalapat sa pagtuturo, pagsasagawa ng ekstensyon at
produksiyon. Bunga ng patuloy na panawagan ng DepEd sa kaguruan na
makiisa at makilahok sa gawaing pananaliksik, isinagawa ang pag-aaral na ito.
Layunin nitong alamin ang estado at kakayahang pampananaliksik ng mga
gurong nagtuturo ng kursong may kaugnayan sa pananaliksik sa antas senior
high. Ang mga natuklasang datos ang ginawang batayan ng pagbuo ng
mungkahing pang-ekstensyon. Sa pamamagitan nito, matutulungan silang
matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa gawaing pananaliksik.
Natuklasan sa ginawang pag-aaral na katamtaman ang antas ng kanilang
kakayahang pampananaliksik. Isang serye ng palihan sa pananaliksik ang
mungkahing gawaing pang-ekstensyon na nabuo kaugnay ng pag-aaral na ito.
References:
- Almario, V. S., Salazar, J. T., Almario, A. R. S., Labor, K. L., Agcaoili, E. M. & Hinampas, L. Z. (2016). Introduksiyon sa saliksik. Komisyon sa Wikang Filipino, Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining, Aklat ng Bayan.
- Alipio, J. S. (2021). Improving the research skills of teachers through revitalized research and development program.
- Amante, J. Jr. (2020). Pagdalumat sa mga saliksik ng mga paaralang graduwado sa mga pampamahalaang unibersidad at kolehiyo ng rehiyong bikol: Batayan sa pagbuo ng adyenda ng pananaliksik sa filipino. [Di-Limbag na Tesis]. Catanduanes State University
- Amante, J., Balunsay, J., & Tindugan, S. (2021). Kategorya at gamit ng mga saliksik sa antas gradwado sa piling unibersidad sa rehiyong Bikol: Gabay sa pagbuo ng panukalang gawaing pang-ekstensyon sa Filipino. Malay Journal, 33 (2), 18-28. https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/research/journals/malay/tomo-33/2/2-amante.pdf
- Atanacio H. C.., Lingat, Y. S., & Morales, R. D. (2009). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. C & E Publishing, Inc.
- Atutubo, V. & Estonanto, A. J. (2020). Research competency of senior high school teachers in Sorsogon City. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, 8(4), 136-142. http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2020/12/APJMR-2020.08.04.15.pdf
- Balunsay, J. R. (2020). Maunlad na pananaliksik sa filipino (Mga teorya at praktika sa pananaliksik sa wika, panitikan, at kultura. Mindshapers Co., Inc.
- Bernales, R. A., Lopez, L. M., Sarte, M. B., Del Rosario, L. Z., Martinez, E. P., Quijano, M. L. R., Balunsay, J. T., & Tindugan, S. M. (2018). Pagbasa, pagsusuri at pagsulat ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Mutya Publishing House Inc.
- Bueno, D. C. (2016). Practical quantitative research writing. Books Atbp. Publishing Corp.
- Braza, M. T. & Supapo, S. S. (2014). Effective solutions in the implementation of the K to 12 Mathematics curriculum. West Visayas State University
- Caingcoy, M. (2020). Research capability of teachers: Its correlates, determinants and implications for continuing professional development. Journal of World Englishes and Educational Practices, 2(5), 1-11. https://doi.10.32996/jweep.2020.2.5.1
- Commision on Higher Education. (2016). Pathways to Equity and Advancement in Research, Innovation and Extension in Philippine Higher Education. CHED Memorandum Order No. 52 Series 2016. http://www.ched.gov.ph
- Cruz, C. B., Dela Cruz, J. B., & Morong, D. N. (2018). Filipino 2 pagbasa at pagsulat sa masining na pananaliksik sa antas tersaryo. Co., Inc
- Department of Education (2019). Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 10533 Otherwise Known as the Enhanced Basic Education Act of 2013. DepEd Order No. 43 Series of 2013. http://www.deped.gov.ph
- Espina, L.D., Plasencia, N.R., Ramos, V.R. & Gregorio, C.C. (2009). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik (Filipino 2). Mindshapers Co., Inc.
- Espiritu, C.C. (2006). Guro: Mula tsok hanggang internet. Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino.
- Gepila, Jr., E. C., Rural, J. D., Lavadia M. K., Nero, J. M., Palillo, D. C. & Besmonte, M. (2018). Research skills assessment of the selected DepEd teachers in Metro Manila. Advance Science Letters. http://www.researchgate.net/publication/328665
- Holt, J. & Perry, S. A. (2011). A pragmatic guide to competency: tools framework and assessments. British Informatics Society Ltd. https://bit.ly/34aElvS.
- Ismail, R. & Meerah, S. M. (2012). Evaluating the research competencies of doctoral students. Procedia-Social and Behavioral Science, 59, 244-47. https://bit/34IRYNV
- Jocson, O. M., Villafuerte P. V., & Alcaraz, C. V. (2005). Filipino 2: Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Lorimar Publishing https://www.worldcat.org/title/filipino-2-pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-pananaliksik/oclc/989449266
- Lovino, M. B. (2018). Kultura ng Pananaliksik; Tugon sa Associalation of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integrasyon. [Di-limbag na Disertasyon]. Bicol University.
- Marbella, F. D. (2019). Gamit ng mga masteradong tesis sa kalagayang sosyal at kultural ng mga sorsoganon: isang pagsusuri. [Pang-institusyong Pag-aaral]. Sorsogon State University.
- Republic Act 10533 (2013). Congress of the Philippines. www.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533.html
- Roland, M. C. (2007). Academic: ‘Research cannot be separate from society’. Euractiv. https://www.euractiv.com/innovation-industry/interview/academic-research-cannot-be-separate-from-society/
- Salazar, J. T. (2017). Babasahin sa Kultural na Malayuning Komunikasyon. Komisyon sa Wikang Filipino, Filipinas Institute of Translation. Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.
- Ulla, M. B., Barrera, K. B., & Acompanado, M. M. (2017). Philippine classroom teachers as researchers: Teachers' perceptions, motivations, and challenges. Australian Journal of Teacher Education, 42(11), 52-64. http://ro.ecu.edu.au/ajte/vol42/iss11/4.
- Vásquez, V. E. L. (2017). Teachers as researchers: Advantages, disadvantages and challenges for teachers intending to engage in research activities. https://www.academia.edu/719736
ISSN 2984-8954 (Online)
ISSN 2984-8946 (Print)