Pinoy ako, pero Hindi Filipino Major: Pag-aaral sa Karanasan ng Guro sa Pribadong Paaralan
Harold A. Magcalas | Rosie L. Bautista | Leonora F. De Jesus
Discipline: Education
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga karanasan at kalagayan ng mga
guro sa Filipino na nagtuturo ngunit iba sa kanilang espesyalisasyon. Layunin nito na
maunawaan ang mga hamon, pamamaraan ng pagtuturo, at mga hakbang na kanilang
ginagawa upang mapaigting ang kanilang pagtuturo sa asignaturang Filipino. Sa
pamamagitan ng pamamahagi ng mga talatanungan hinggil sa kanilang demograpikong
propayl, mga suliranin sa pagtuturo, at mga karanasan sa pag-iisip at pagsusulong ng mga
solusyon, ang pananaliksik ay nagpakita ng mga impormasyon na makakatulong sa
pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon sa asignaturang Filipino sa mga pribadong
paaralan. Ito ay ginamitan ng deskriptibong-korelasyonal na paraan ng pagsusuri at ang
estrukturang pang-eksperimentong mixed method ang gagamitin sa pagsasagawa ng
pananaliksik na ito. Gumamit ng purposive sampling ang mga mananaliksik kung saan
sampung (10) mga guro sa isang pribadong paaralan ang sumailalim sa pagsagot ng
pasulat na pakikipanayam at sa istandardisadong talatanungan na binuo ayon sa anyo ng
likert scale. Lumalabas sa isinagawang pag-aaral na ang mga gurong out-of-field na
nagtuturo ng Filipino ay nasa ilalim ng kursong BSED na nagpapakadalubhasa sa
asignaturang Ingles at BEED. Sila ay nasa pagitan ng 30 hanggang 32 taong gulang at may
katagalan na sa serbisyo ng pagtuturo. Lumilitaw sa pag-aaral na walang makabuluhang
ugnayan ang demograpikong profayl ng mga gurong out-of-field sa antas ng suliraning
kinahaharap sa istratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at natuklasan na sa
pamamagitan ng iba’t ibang mga pamamaraan at programa, maaaring mas mapaunlad
ang kalidad ng edukasyon na kanilang maibibigay. Dito ay nagbigay sila ng mga mungkahi
na maaaring isagawa ng mga kinauukulan upang sila ay matulungan at mapalawak pa ang
mga kasanayan. Ang ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa ng mga seminar, workshop, at
pagsasanay na kaugnay sa kanilang mga asignaturang itinuturo. Hindi masasabing walang
kakayahan ang mga gurong out of field na ituro ang asignaturang Filipino kung
pagbabatayan ang resulta ng isinagawang pag-aaral, sa katunayan marami silang mga
paraang naiisip na maaaring gawin kung mabibigyan lamang sila ng pagkakataon na
maihayag ang kanilang mga mungkahing solusyon upang mas mapagbuti ang kailidad ng
kanilang pagtuturo sa loob ng klase.
References:
- Anez, R. (2022, May 8). Pananaw at danas ng mga gurong Filipino: Batayan sa pagbuo ng plan of action. SlideShare. https://www.slideshare.net/AJHSSRJournal/pananaw-at-danas-ng-mga-gurong-filipino-batayan-sa-pagbuo-ng-plan-of-action
- Augusto Jr., W. S. (2020). Sulyap sa Buhay ng mga Gurong Nagtuturo ng Filipino bilang Out-of-field: Isang Penomenolohikal na Pagsusuri. The Normal Lights, 14(2). https://doi.org/10.56278/tnl.v14i2.1651
- Barberos, M., Gazaro, A., & Padayogdog, E. (2019). The Effect of the Teacher's Teaching Style on Students' Motivation. https://steinhardt.nyu.edu/departments/tQeachingandlearning/research/practitioner-action-research/effect-teachers-teaching
- Benito, J. (2023). Kahandaan ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa antas sekondarya. Global Scientific Journal. https://www.globalscientificjournal.com/researchpaper/Kahandaan_ng_Guro_sa_Pagtuturo_ng_Asignaturang_Filipino_sa_Antas_Sekondarya.pdf
- Bernardo, A. B. I., Wong-Fernandez, B., Macalaguing Jr, M. D., & Navarro, R. C. (2020). Filipino senior high school teachers' continuing professional development attitudes: Exploring the roles of perceived demand amid a national education reform. Journal of Research, Policy & Practice of Teachers & Teacher Education, 10(2), 63–76. https://doi.org/10.37134/jrpptte.vol10.2.5.2020
- Blazar, D., & Kraft, M. A. (2016). Teacher and teaching effects on students' attitudes and behaviors. Educational Evaluation and Policy Analysis, 39(1), 146–170. https://doi.org/10.3102/0162373716670260
- Burroughs, N., Gardner, J., Lee, Y., Guo, S., Touitou, I., Jansen, K., & Schmidt, W. (2019). Teaching for Excellence and Equity Analyzing Teacher Characteristics, Behaviors and Student Outcomes with TIMSS. https://link.springer.com/book/10.1007/978-3-030-16151-4
- Coronel, J. A. (2019). Mga Suliraning Nararanasan at Akmang Pagsasanay para sa mga Gurong Hindi Nagpakadalubhasa sa Asignaturang Filipino.
- Du Plessis, A., & McDonagh, K. (2021). The out-of-field phenomenon and leadership for wellbeing: Understanding concerns for teachers, students and education partnerships. International Journal of Educational Research, 106, 101724. https://doi.org/10.1016/j.ijer.2020.101724
- Fischler, A. S. (2017). Mixed Methods. NOVA Southeastern University. https://education.nova.edu/Resources/uploads/app/35/files/arc_doc/mixed_methods.pdf
- Ibay, R. M. (2021, January). Kakayahan ng mga Guro sa Filipino: Susi sa Pagpapayaman ng Kaalaman sa Gramatika ng mga Mag-aaral. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/348349990_Kakayahan_ng_mga_Guro_sa_Filipino_Susi_sa_Pagpapayaman_ng_Kaalaman_sa_Gramatika_ng_mga_Mag-aaral
- Javier, J. (2021). Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino sa Bagong Kadawyan. https://www.researchgate.net/publication/356961725_Makabagong_Pamamaraan_ng_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Bagong_Kadawyan
- Juancho, C. (2021). Makabagong Pamamaraan sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino: Pagtataya sa Teknolohikal, Pedagohikal at Kaalamang Pangnilalaman. Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development, 9(1), 2782–8557. https://research.lpubatangas.edu.ph/wp-content/uploads/2022/02/APJMSD-2021-01-001a.pdf
- Kwak, Y. (2019). Secondary school science teacher education and quality control in Korea based on the teacher qualifications and the teacher employment test in Korea. Asia-Pacific Science Education, 5(1). https://doi.org/10.1186/s41029-019-0040-0
- Lacanlale, C. (2013). Ningas ng sulo ng mga natatanging gurong di-medyor sa Filipino sa maalong dagat ng pagtuturo. https://rpo.ua.edu.ph/wp-content/uploads/2020/06/5.-Celia-R.-Lacanlale-137-198.pdf?fbclid=IwAR0f_1kpkhOezUkR1cCRJz3aRqj-tzAXaB07ywDdBav-KCCgPM9lGw_50A0
- Lopez Jr., H. B., & Roble, D. B. (2022, November 3). Sambe, M. (2015). Out-of-field teaching. The African perspective. Retrieved from http://www.tapmagonline.com/out-of-field-teaching-by-mariam-sambe/
- Lopez, R. (2021, December 21). Pagtuturo ng Asignaturang Filipino Ngayong Online Class. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/356853584_Pagtuturo_ng_Asignaturang_Filipino_Ngayong_Online_Class
- O'Meara, N., & Faulkner, F. (2021). Professional Development for Out-of-Field Post-Primary Teachers of Mathematics: An Analysis of the Impact of Mathematics Specific Pedagogy Training. Irish Educational Studies, 16 Mar., 1–20. https://doi.org/10.1080/03323315.2021.1899026
- Orale, R. L., & Sarmiento, D. H. (2016). Senior High School Curriculum in the Philippines, USA, and Japan. Journal of Academic Research. https://www.researchgate.net/publication/318494693_Senior_High_School_Curriculum_in_the_Philippines_USA_and_Japan
- Schoonenboom, J., & Johnson, R. B. (2017). How to Construct a Mixed Methods Research Design. KZfSS Kölner Zeitschrift für Soziologie und Sozialpsychologie, 69, 107–131
ISSN 2980-4760 (Online)
ISSN 2980-4752 (Print)