Sulat Dalumat: Mga Mungkahing Teknik sa Pagtuturo ng Pagsulat ng Akademikong Sulatin sa mga Mag-aaral ng Senior High School
Janice Ann J. Caigas
Discipline: Education
Abstract:
Malaki ang naiaambag ng kakayahan ng isang mag-aaral sa pagsulat kung pag-uusapan
ang kakayahang pang-akademiko. Hindi lingid sa kaalaman ng marami, ang kakayahan sa
pagsulat lalo na sa Senior High School ay kadalasang hindi nabibigyang-pansin dahil na rin
sa kawalang-interes sa pagsulat ng makabuluhang sulatin. Layunin ng pag-aaral na ito na
kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin kung epektibo ba ang paggamit ng
dulog Sulat Dalumat (Dinig-Tinig, Matalikha, Sanaysalin at Kwendugtungan) sa pagtuturo
ng pagsulat ng akademikong sulatin. Nagsagawa ang mananaliksik ng formative
assessment nang walang interbensyon sa apat na pangkat ng strand at binigyan ang mga
ito ng apat na gawain. Pinagkumpara ang resulta ng mga naisulat ng mga mag-aaral sa
ginawa namang summative assessment kung saan ginamitan na ng interbensyong Sulat
Dalumat (Dinig-Tinig, Matalikha, Sanaysalin at Kwendugtungan). Ang mga ito ay dulog na
kinakitaan ng posibilidad na makapukaw sa interes ng mag-aaral sa pagsulat sa
pamamagitan ng paggamit ng mga pandama: pagtingin, pakikinig at paghaplos o
paghawak. Lumabas sa pag-aaral na mas naging interesado ang mag-aaral na
magsimulang magsulat at mag-isip ng nilalaman dahil napukaw nito ang kamalayan ng
mag-aaral at hindi lamang humimpil sa payak na pag-iisip na karaniwan ay humahantong
sa bloke ng manunulat o “writer’s block”. Ang wika, kung hindi naibubulalas sa
pamamagitan ng pagsulat, ay maaaring sumikil sa pagkatao ng isang mag-aaral.
Inaasahang mabuhay muli ng mga guro ang natutulog na kamalayang likas sa tao – ang
mag-isip, ang magbahagi at magsulat.
References:
- Agra, R. (2016). Impluwensya ng Midya at ang Kaugnayan nito sa Pagsulat ng Komposisyong Filipino ng mga mag-aaral
- Alo, M. (2023). A Linguistic Skills, Sociolinguistic Abilities, and Communicative Proficiency of Senior High School Students. International Journal of Arts, Sciences and Education, 4(2), 216–232. Retrieved from https://ijase.org/index.php/ijase/article/view/258
- Balallo, C., Aragon, J., (2023) https://www.researchgate.net/publication/375232727_ANTAS_SA_KAHUSAYAN_AT_HAMON_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY_SA_WIKANG_FILIPINO
- Barraga, E. A. (1994). The Making of Effective Schools, Philippine Journal of Education, 105
- Bernales, R.A. et.al (2013) Komunikasyong Epektibo sa Wikang Akademiko. 105 Engineering Road, Araneta University Village, Potrero, Malabon City, Mutya Publishing House. Inc.
- Cerami, Eduardo M. (2017). “Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat ng Sanaysay”. Di-Nalathalang Tesis. Pangasinan State University, Urdaneta City
- Domantay, M. D. & Ramos, L. Q. (2018) English Writing Performance of Grade 11 Students. Journal of Advanced Studies. Retrieved from https://psurj.org/wp-content/uploads/2018/12/JAS-002.pdf
- Gloria, A., (2021) Paglinang ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa Panahon ng Pandemya https://www.researchgate.net/publication/353443547_Paglinang_ng_mga_Estratehiya_sa_Pagtuturo_ng_Wikang_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya
- Kamariah, A. et. al (2018) Developing Authentic-based Instructional Materials for Writing Skill. Journal of Language Teaching and Research, Vol. 9, No. 3, pp. 591-599
- Mabalhin, Joel Q., Marbas, Jennifer (2020) Eklektik na Dulog sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Senior High. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Volume 8, No. 2, May 2020
- McMaster, K. L., Lembke, E. S., Shin, J., Poch, A. L., Smith, R. A., Jung, P.-G., Allen, A. A., & Wagner, K. (2020). Supporting teachers’ use of data-based instruction to improve students’ early writing skills. Journal of Educational Psychology, 112(1), 1–21. https://doi.org/10.1037/edu0000358
- Purcell, K., Buchanan, J., & Friedrich, L (2013). The Impact of Digital Tools on Student Writing is Taught in Schools. National Writing Project. Retrieved September 20, 2015.From https://www.pewinternet.org./files/oldmedia/files/reports/2013/pip_NWP Writing andTech.pdf
- Rapliza, Ethel T. (2022). DULOG EKLEKTIK MODYULAR: TUNGO SA KASANAYAN SA PAGSULAT SA BAGONG NORMAL NA EDUKASYON. EPRA International Journal of Research and Development (IJRD), 7(7), 132–137. Retrieved from https://www.eprajournals.net/index.php/IJRD/article/view/697
- Robles, R., Robles, J. (2020). Filipino ESL Teachers’ Attitudes, Practices and Challenges in Using Peer Correction Strategy in Teaching Writing. Ciencia Heals Volume 1, Issue 1.
- Saavedra, A., Barredo, C. (2020). Factors that Contribute to the Poor Writing Skills in Filipino and English of the Elementary Pupils. International Journal of Innovation, Creativity and Change. www.ijicc.net . Volume 14, Issue 5, 2020
- Sinco, M., Futalan, M. (2020) Strategic Intervention Materials: A Tool in Improving Students' Academic Performance. https://www.researchgate.net/publication/352131864_Strategic_Intervention_Materials_A_Tool_in_Improving_Students'_Academic_Performance
- Wengroff, J. (2019, August 23). What is ADDIE? Synapse.
- Yeh, H. C., & Tseng, S. S. (2019). Using the ADDIE Model to nurture the development of teachers’ CALL professional knowledge. Journal of Educational Technology & Society, 22 (3), 88-100. https://www.jstor.org/stable/26896712
- Yuniarti Al Aida, 1523042004 (2018) Developing Teaching Materials Based On Task Based Instructions To Enhance Students’ Writing Ability.
ISSN 2980-4760 (Online)
ISSN 2980-4752 (Print)