Kahalagahan ng mga Katutubong Wika na Niluma ng Panahon: May Yunik, Kakaiba, at Natural na Gamit sa Quezon
Rechelle Thea G. Ramboyong | Elizabeth Garcia | Cresencio C. Jaballa
Discipline: Asian Studies
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na “Kahalagahan ng mga Katutubong Wika na Niluma ng Panahon: May
Yunik, Kakaiba, at Natural na Gamit sa Quezon”. Ang disenyo ng pananaliksik ay descriptiv-etnograpik. Gumamit
ang mga manunulat ng FGD o diskusyong pang- grupo, pagtatanong, at pakikihalubilo sa pangangalap ng datos.
Gumamit din ang mga manunulat ng pamamaraang pagtatala sa bawat sagot sa mga katanungan sa mga tagasagot.
Saklaw ng pag-aaral ang pagkuha ng mga kahalagahan ng mga lenggwaheng katutubo at ang kakaibang gamit nito
sa wikang Filipino. Binigyan ng tuon ang mga tagasagot sa mga piling lugar sa Lungsod Tayabas, Candelaria, at
Mauban, Quezon. Pumili lamang ang mga manunulat ng mga may edad tatlumpo (30), pataas, lalaki at babae, may
asawa o wala. Pumili rin ng ilang kabataan na may edad labing-walo (18) hanggang dalawampo at siyam (29). Ang
bilang ng mga tagasagot ay dalawampo’t lima (25) bawat lugar, sa kabuuan ay may pitumpo’t lima (75) ang bilang.
Ngunit dahil sa kahirapan ng pagkakaroon ng survey, pagtatanong, at pangkatang diskusyon dahil sa pandemya,
nilimitahan na lamang ito sa pagkuha ng datos sa pagpunta sa nasabing mga lugar. Sinikap ng mga manunulat na
makakuha ng maraming impormasyon sa mga kinauukulan gamit o batay sa virtual na pakikipanayam. Bago
magsagawa ng pananaliksik, humingi muna ang mga manunulat ng pahintulot sa mga kinauukulan o sa lokal na mga
namamahala ng bawat lugar, sa pamamagitan ng paghahatid ng liham sa pamamagitan elekronikong pamamaraan.
Sa pangangalap ng datos na makakalap sa pananaliksik ay gumawa ng talaan, upang maitala at magkakaroon ng
pagsusuri. Pinag-aralan ding mabuti ng mga manunulat ang bawat karagdagang katanungan bukod sa katanungan
nakalahad sa gagawing talatanungan upang hindi magkamali ang mga manunulat. Binigyang halaga ang pribadong
buhay ng mga tagasagot sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga katanungan na hindi kasama sa pag-aaral. Itinago rin
ang kanilang identidad (pangalan at iba pa) kung hindi nila ipahihintulot. Binigyang pansin ang kahalagahan ng
bawat sagot na kanilang ipagkakaloob sa manunulat, anuman ang pagkaunawa nila at pagbibigay kahulugan sa
katutubong lenggwaheng nalipasan na ng panahon, ito ang itinala ng manunulat.
References:
- Almario, V.S. (2015). Pagpaplanong Wika at Filipino. SANGFIL
- Aquino, F.O. et. al (2001). Sining ng Komunikasyon. Quezon City: Kadena Press Inc. Technological Institute of the Philippines Library catalog › Details for: Sining ng komunikasyon / (tip.edu.ph)
- Baronda, A.J. (2013). Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang Filipino. Pasay City: JFS Publishing Services.
- Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela City: Mega Jesta Prints. https://library.au.phinma.edu.ph/cgi-bin/koha/opac-detail.pl?biblionumber=2455&query_desc=pl%3A%22Dalandanan%2C%20Valenzuela%20City%20%3A%22
- Carpio, P.S.et al. (2012) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Jimcyzville Publications.
- Cantillo, L. M. (2016). Aklat sa komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. (SIKHAY), Quezon City: St. Bernadette Publishing House.
- Constantino, P. (2002). Ang varayti at Varyasyon ng wika: Historya, teorya at pratika. Manila: University of the Philippines Press.
- Constantino P. & Zafra, G. (2000). Kasanayan sa komunikasyon. Quezon City: University of the Philippines Press.
- Espina, L. A. (2007). Modyul ng Komunikasyon sa Akademikong Pilipino. Manila: Mindshapers.
- Eugenio G. et. al (2007). Retorika: Masining na Pagpapahayag. Manila: Librong Filipino Enterpri
- Jacobson, R. (2003). Linguistic and poetics. Modern criticism and theory: A Reader (2nd edition.) New Delhi, India : Pearson Education.
- Wika at kalikasan, wagas na pagmamamahal Tahagang kailangan. MSEUF Quarterly 48.8.
- Garcia, L. C. (2006). Komunikasyson sa Akademikong Filipino. Cabanatuan City: Jimcy Publishing House. Details for: Komunikasyon sa akademikong Filipino / › PUP NALLRC catalog
- Garcia E. M. & Ramboyong, RT.G.(2018).
- Modyul sa komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. MSEUF, Lucena City.
- Lorenzo, C. S. (1994). Sining ng pakikipagtalastasang Panlipunan. Mandaluyong City: National Book Store.
- Mahilom, A. B. (2010). Gabay ng mag-aaral: mga iba’t ibang aralin na maaaring gawing sanggunian at pantulong sa pag-aaral. Retrieved from https://tekbo.blogspot.com/
- Mangahis, J.C. et.. al (2008). Komunikasyon sa akademikong Filipino. (Batayang aklat sa Filipino I). Quezon City: C & E Publishin.
- Nuncio, E. M. et. al (2013). Makabuluhang Filipino sa iba’t ibang pagkakataon (Batayang aklat sa iba’t ibang Pagkakataon (Batayang aklat sa pagbasa, pagsulat at pananaliksik sa antas ng kolehiyo). Quezon City: C & E Publishing.https://tuklas.up.edu.ph/Record/UP-99796217611273546
- Reyes, A.R.C. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Makati City: Diwa Learning System.
- Taylan, D. R. et. al, (2016). Komunikasyon sa Pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. https://library.tip.edu.ph/cgi-bin/koha/opac-detail.pl?biblionumber=73176&shelfbrowse_itemnumber=120353
ISSN 3028-2985 (Online)
ISSN 1908-7349 (Print)