HomeNRCP Research Journalvol. 23 no. 2 (2024)

Ang Kalyeng Walang Kamatayan: Ang Paglalandas ni Leoncio P. Deriada at ng Panitikan ng Rehiyon at Bansa

Ferdinand P. Jarin

Discipline: Asian Studies

 

Abstract:

Ang pag-aaral ay tumutukoy sa peryodisasyon ng intelektuwal na buhay ng itinuturing na Ama ng Kontemporanyong Panitikan ng Kanlurang Visayas na si Leoncio P. Deriada. Ang halaga ng naging papel ni Deriada sa panitikan ng naturang rehiyon ay mamamalas sa pagpapakilala ng mga wikang Hiligaynon, Kinaray-a, at Aklanon sa pambansang panitikan. Ang naging papel na ito ni Deriada ay nagpakita ng pagmumuhon ng kontemporanyong panitikan ng Kanlurang Visayas sa mapa ng pambansang panitikan. Pagtugon din ang pag-aaral sa hamon ng kritiko at pambansang alagad ng sining na si Bienvenido Lumbera na dapat maisulat ang talambuhay ng mga alagad ng sining ng rehiyon upang mapunan ang puwang sa kung paano ipagdurugtong at ipagsasanib ang panitikan ng rehiyon sa panitikang pambansa. Kung paanong ang pag-aaral sa buhay at pag-aakda ni Deriada ay magpapatibay din sa diskurso na ang panitikan ng bansa ay marami, hindi iisa, walang sentro, dahil lahat ng rehiyon ay sentro ng panitikang pambansa. Ginamit sa pag-aaral na ito ang metodolohiya ng arkibong pananaliksik lalo pa sa mga akda ng naturang manunulat at ang mga nauna nang naisulat na artikulo tungkol sa buhay, pag-aakda, at adbokasiya ni Deriada.



References:

  1. Cruz, I.M. (2021). “Ang Rehiyon Bilang Antolohiya : Si Leoncio Deriada at ang Kontemporaneong Literatura ng kanlurang Bisaya sa Konteksto ng Panitikang Pambansa”. Padayon sa Pagtindog: Mga Piling Papel Hinggil sa mga Wika at Panitikan ng Kabisayaan. Ed. John Iremil Teodoro. Lungsod ng Maynila. KWF Publikasyon, 2021.
  2. Cruz, I.M. (2009).  Pungsod: Damming the Nation: Region / Nation and the Global Order in Contemporary West Visayan Literature. University of San Agustin Publishing House.
  3. Cruz, C. (2017). The (Mis)Education of the Filipino Write: The Tiempo Age and Institutionalized Creative Writing in the Philippines. Kritika Kultura. http://journals.ateneo.edu/ojs/kk/
  4. David, K.G. (2019). In Memoriam: Leoncio Deriada. Manila Bulletin, 2019.
  5. Delos Reyes, J.D. (2018). Finding Teo: Tula / Talambuhay. University of Santo Tomas Publishing House.
  6. Deriada, D.V. (2019). Preface. Ang Kalye nga Wala sing Kamatayon: The Palanca Award-Winning Short Stories of Leoncio P. Deriada. Ed. Dulce Maria V. Deriada. UP Visayas.
  7. Deriada, L.P. (1995). Patubas, An Anthology of West Visayan Poetry: 1986-1994. NCCA.
  8. Deriada, L.P. (2019). Ang Kalye nga Wala sing Kamatayon: The Palanca Award-Winning Short Stories of Leoncio P. Deriada. Ed. Dulce Maria V. Deriada. UP Visayas.
  9. Deriada, L.P. Hiligaynon Literature NCCA http://www.ncca.gov.ph
  10. Deriada, L.P. (2021). Pag-ulikid sa Kasaysayan sa Literatura ng Bisayang Nakatundan. Padayon sa Pagtindog: Mga Piling Papel Hinggil sa mga Wika at Panitikan ng Kabisayaan. Ed. John Iremil Teodoro. KWF Publikasyon.
  11. Deriada, L.P. (August 1 2011). Literature Engineering in West Visayas. Kritika Kultura. http://www.ateneo.edu / kritikakultura
  12. Deriada, L.P. The Road To Mawab and Other Stories. New Day Publishers.
  13. Deriada, L.P. (1988). Night Mares. New Day Publishers.
  14. De Ungria, R.M. I went to Silliman a full-blown writer: Interview With Leoncio P. Deriada. Kinaadman. Xavier University- Ateneo de Cagayan.
  15. Felicilda, J.B. & Demeterio, F.A. (2020). Ang Bulwagang San La Salle: Pakikipanayam sa Apat na Dalubhasa nitong Sentenaryo ng Paglatag ng Cornerstone ng Nasabing Pamanang Estruktura ng Pamantasang De La Salle Maynila. Malay, 32, 82-99.
  16. Gonzales, A.T. (2021). Ugsad ng Literatura sa Bisayang Nakatundan: Reaksyon sa Papel ni Leoncio P. Deriada. Padayon sa Pagtindog: Mga Piling Papel Hinggil sa mga Wika at Panitikan ng Kabisayaan. Ed. John Iremil Teodoro. KWF Publikasyon.
  17. Jarin, F.P. (2023). Ang Mas Nakikitang Muhon ng Kontemporanyong Panitikan ng Kanlurang Visayas sa Mapa ng Pambansang Panitikan Bilang Produkto ng Literary Engineering ni Leoncio P. Deriada : Pakikipanayam sa Apat na Manlilikha ng Kanlurang Visayas. Malay, 35, 14-34.
  18. Lumbera, B.L. (1997). Revaluation 1997: Essays on Philippine Literature, Cinema, and Popular Culture. University of Santo Tomas Publishing House.
  19. Lumbera, B.L. (2000). Harnessing Regional Literature for National Literature. Writing the Nation / Pag-akda ng Bansa. University of the Philippines Press.
  20. Lumbera, B.L. (2000). Panitikang Panrehiyon, Panitikang Pambansa: Magkabukod at Magkarugtong. Writing the Nation / Pag-akda ng Bansa. University of the Philippines Press.
  21. Pernia, M.E. (2002). The National Writers’ Workshop in Dumaguete: A Literary History. Animo Repository. https //animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/2672
  22. Teodoro, J.I. (2021). Padáyon sa Pagtíndog, Mga Piling Papel Hinggil sa mga Wika at Panitikan ng Kabisayaan. KWF Publikasyon.
  23. Teodoro, J.I. (2021). Hala Bira! Ang Panahong Post-Deriada (Sana) Huling Hirit (Na) sa Gasgas na Tema ng Kanlurang Bisaya at ang Pagbuo ng Literaturang Pambansa. Padayon sa Pagtindog: Mga Piling Papel Hinggil sa mga Wika at Panitikan ng Kabisayaan. Ed. John Iremil Teodoro. KWF Publikasyon.