HomeIDEYA: Journal of Humanitiesvol. 2 no. 2 (2001)

Maituturo ba ang Pagpapahalaga?

Florentino T. Timbreza

Discipline: Literature, Humanities

 

Abstract:

Ang pagtuturo ay isang pagtulong na matuto ang isang tao, isang pagpapakita kung paano gawin ang isang bagay, at isang pagpapaunawa tungkol sa anupamang sinasabi o itinuturo. Kaya matuturuang sumulat at bumasa ang isang bata na nasa takdang taong gulang. Matuturuan ang isang estudyante na magkompyuter at lumutas sa isang problemang pangmatematika, pampisika, o panlohika. Matuturuan din ng isang magsasaka ang kanyang anak na maghabi ng sambalilo, mag-araro, magtanim, at mag-ani ng palay sa bukid. Matuturuan naman ng isang ina ang kanyang dalagita na magsaing at magluto ng ulam.