Isang Pagsipat Sa Kasalukuyan At Kinabukasan Ng Artificial Intelligence Sa School Of Computing Ng Iacademy
Michael Anthony Albano | Angel Jovelle Caballero | Joshua Klein Garcia | Chrystal Jane Lirios | Ryan Peighton Maniquiz | Don Gerardo Molina | Joven B. Makiling
Discipline: Education
Abstract:
“To reinvent education and address the ever-changing needs of industry.” ang misyon ng institusyong iAcademy. Kung kaya nang sumikat ang mas pinagandang Artipisyal Intelidyens (AI) sa buong mundo, para makisabay sa tinatawag na sentro ng ika-apat na rebolusyong industriyal, nag-anunsyo ang balak nitong isama ang AI sa kurrikulum sa susunod na akedemikong taon. Negatibo ang pananaw ng karamihang nagbasa ng anunsyo. Layunin ng papel na ito malaman ang pananaw ng mga propesor ng iAcademy School of Computing sa AI, partikular na sa: 1.) kalagayan ng AI sa larangan ng Kompyuter Sayans (CompSci), Teknolohiyang Pang-impormasyon (IT), at sektor ng Edukasyon; 2.) mga responsibilidad ng mga propesor at ng kanilang mga estudyante sa paggamit ng AI; at 3.) ang direksyon ng AI sa institusyong iAcademy partikular sa School of Computing (SOC). Upang matugunan ang mga layunin na ito, nagsagawa ang grupo ng isang kuwalikatibong pag-aaral na sumusunod sa metodong case study. Gamit ng interbyu notes, nakipanayam ang grupo sa mga propesor na kasalukuyang parte ng iAcademy SOC, at sinuri ang nakalap na impormasyon gamit ang thematic analysis. Lumabas na positibo ang pagtingin ng mga propesor sa AI, may hangganan ang responsibilidad ng propesor sa paggamit ng AI ng kanilang estudyante, at para sa kabutihan ng institusyon ang pagsama ng AI sa kurrikulum. Maganda at pangmatagalan ang samahan ng AI sa institusyong iAcademy..
References:
- Chi, C. (2023). Should ChatGPT be banned in schools? UP crafts ‘responsible’ AI use guidelines. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/07/19/22822 26/should-chatgpt-be-banned-schools-crafts responsible-ai-use-guidelines
- Estrellado, C. J. P., & Miranda, J. P. (2023). Artificial intelligence in the Philippine educational context: Circumspection and future inquiries. International Journal of Scientific and Research Publications, 13(5), 16–22. https://doi.org/10.29322/ijsrp.13.05.2023.p13704
- Ligot, D. V. (2024). Performance, skills, ethics, generative AI adoption, and the Philippines. Social Science Research Network. https://doi.org/10.2139/ssrn.4715603
- Merchant, B. (2023). Merchant: The writers’ strike and the rebellion against AI - Los Angeles Times. Los Angeles Times. https://www.latimes.com/business/technology/story/2 023-05-11/column-the-writers-strike-is-only-the beginning-a-rebellion-against-ai-is-underway
- Mhlanga, D. (2023) Open AI in Education: The Responsible and Ethical Use of ChatGPT Towards Lifelong Learning. https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id= 4354422
- Paguian ,J. (2023). CHED urges firms to prepare workers for AI. BusinessWorld Online. https://www.bworldonline.com/labor-and management/2023/11/24/559432/ched-urges-firms-to prepare-workers-for-ai/?fbclid=IwAR2dbybQqsbRjoxTlFCrT8s3qXnJlzljDBAtLHGC8M2M6nyXNkTPJ545Kc_aem_AZ4FtZ2U9jnYvEyZrsvLSkg2ZARjXZYI
- Ross, P. & Maynard, K. (2021). Towards a 4th industrial revolution. Intelligent Buildings International. 13. 1-3. 10.1080/17508975.2021.1873625.
- Students under probe for allegedly using AI in submitted academic requirements. (2023). GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/ 857872/using-ai-to-write-essays-is-cheating-says-upprof/story/https://www.etf.europa.eu/en/publications-and-resources/publications/carrying-out-tracer-studies-guide-anticipating-and-matching
ISSN 3028-0923 (Online)
ISSN 3027-9615 (Print)