Paghalungkat ng mga Ugat: Ang Paggalugad at Pagsipat sa Pagpili ng mga Artikulong Nailathala sa Dalumat E-Journal mula 2010 hanggang 2022
Jessica May S. Reyes | Vasil Victoria
Discipline: humanities (non-specific)
Abstract:
Nakatuon ang pananaliksik sa paggalugad ng naging proseso sa pagpili ng
mga artikulong nailathala ng Dalumat E-Journal (DEJ) ng Networked Learning
PH mula 2010 hanggang 2022. Naging inspirasyon ng nasabing pag-aaral ang
paggalugad ni Eilene Narvaez ukol sa kabuuang proseso ng pagpili sa Salita
ng Taon. May disenyong Mixed Method ang nasabing pananaliksik. Sinuri ng
mananaliksik ang lahat ng artikulong nasa opisyal na website ng Philippine
E-Journals. Gamit ang Critical Discourse Analysis, nagkaroon ng pagkakataon
ang mananaliksik na suriin at basahin ang lahat ng salik na nakaaapekto sa
pagpili ng mga artikulong nailathala sa DEJ gaya ng paraan ng pagsulat ng
pamagat, introduksiyon, at wakas. Idinagdag din dito ang pagsusuri sa kaligiran
ng mga kontribyutor maging ang pagbusisi sa bibliyograpiya ng mga artikulong
nailathala ng DEJ. Sa kabuuan, mainam pa ring pagnilayan ng mga mambabasa
man o nais na maging kontribyutor ang mga rekisitios bago makapagsulat—
ang pagbasa, pagsulat, at paglalathala. Higit pa rito, malaking tulong na
magkaroon ng malalim na kamalayan ang mga mambabasa, mga mananaliksik,
at mga mamamayang Filipino tungkol sa kahalagahan ng intelektuwalisasyon
ng wikang Filipino. Marapat na maunawaang nakasalalay lamang din sa mga
gumagamit ang katuparan nito. Makikitang hindi man madali ang proseso ng
intelektuwalisasyon, malaking tulong pa rin ang maliliit na hakbang gaya ng
paglalathala ng pananaliksik gamit ang sariling wika at konteksto ng bansa
upang maisakatuparan ito.
References:
- Asio, V. B. (2020). The Best Research Universities in the Philippines in 2020. Retrieved from Soil and Environment: https://soil-environment.blogspot.com/2020/01/the-best-research-universities-in.html
- Bhosale, U. (2022, January 27). “Electronic Journals vs Print Journals – Here’s How You Can Choose the Right Journal!”. Retrieved from Enago Academy.
- Department of Education. (2021). RM. 016, s. 2021:RESEARCH AGENDA AS ALIGNED TO THE IMPLEMENTATION OF THE BASIC EDUCATION LEARNING CONTINUITY PLAN.
- Erazo, F. A. (2021, December). Ethics and its Importance in Research. Retrieved from ResearchGate: https://www.researchgate.net/publication/356834849_Ethics_and_its_Importance_in_Research
- Faryadi, Q. (2018). “PhD Thesis Writing Process: A Systematic Approach—How to Write Your Introduction.” Scientific Research Publishing, 2534-2545
- Fignola, & Zainab. (2018, November). The benefits of online referencing tools: as told by a Master’s student. Retrieved from Medium: https://medium.com/my-learning-essentials/the-benefits-of-online-referencing-tools-as-told-by-a-masters-student-c0178437d40f
- Gonzalez, Andrew. (2002). Language Planning and Intellectualisation. Current Issues in Language Planning. 3. 5-27. 10.1080/14664200208668034
- Lorenz, M. (2005). How Does APA Style Work? Retrieved from Indiana University of Pennsylvania. https://www.iup.edu/writingcenter/writing-resources/research-and-documentation/apa-style/what-is-apa.html#:~:text=APA%20is%20the%20style%20of,as%20education%20and%20other%20fields
- Narvaez, E. G. (2016). “Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon”. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.
- Nuncio, R. (2010). Pagsanghiyang sa Internet. Vibal Foundation, Inc.Nuncio, R. (2011). Panimulang Salita. Dalumat E-Journal.
- Sibayan, B. (2014). “The Intellectualization of Filipino.” Retrieved from GovPH.Swales,
- J., & Feak, C. (2012). “Academic Writing for Graduate Students, 3rd Edition, Essential Tasks and Skills.” Michigan: Michigan Publishing.
- Tanggol Wika. (2018, November 17). PAGTATANGGOL SA WIKA AT PANITIKANG FILIPINO, TUNGKULIN NG BAWAT PILIPINO.
- University of Southern California. (n.d.). Home Research Guides. Retrieved from USC Libraries: https://libguides.usc.edu/writingguide/notes#:~:text=Definition,reference%20appears%20in%20the%20paper
- University of Stirling. (2019). Understanding Ethics. Retrieved from University of Stirling: https://www.stir.ac.uk/research/research-ethics-and-integrity/understanding-ethics/#:~:text=Research%20should%20aim%20to%20maximise,conducted%20with%20integrity%20and%20transparency
- Victoria, V. (2020). Mga Estratehiya sa Pagsisimula at Pagwawakas ng Komposisyon. (J. M. Reyes, Interviewer)
- Virginia Tech University Libraries. (2021). Citation and style manuals. Retrieved from University Libraries: https://guides.lib.vt.edu/find/citation-style-manuals/mla
ISSN 2546-0757 (Online)
ISSN 2546-0757 (Print)