Discipline: History
Kalimitang pinag-aaralan kay Severino Reyes ang malaki niyang ambag sa panitikan sa larangan ng dula ngunit walang ginawang pag-aaral sa kaniyang tanyag na mga kuwento sa Liwayway magazine noong 1925-1942, ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang.”
Sintomas na napabilang sa mga naisantabi ang mga kuwento nang magkaroon ng kategorisasyon sa panitikan bunga ng impluwensiya ng pananakop. Hindi matukoy ang tiyak na lugar nito sa panitikan bilang maikling kuwento, kuwentong pambata, o panitikang popular. Sasagutin sa papel ang kabuuang estitika ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang” upang mapatunayan na hindi ito “gaya” sa mga Kanluraning kuwento ng pantasya tulad kina Hans Christian Andersen at ng mga kinalap ng magkapatid na Grimm.
Ipapakita at tatalakayain sa papel ang naging lugar at posisyon ng mga kuwento sa panitikan, at paano ito naiiba sa mga kuwentong romantiko na kasabay rin nitong lumabas bilang kuwento ng pantasya. Magbibigay ng mga kategorisasyon ng pantasya sa kaniyang mga kuwento upang matalakay ang ilang mga mahahalagang halimbawa. Pahapyaw ring itatatag sa papel ang buhay ni Severino Reyes na hindi pa nabubuo sa mga pag-aaral nang lumabas.
All Comments (1)
Jocels Villar
2 months ago
Gustong mabasa ang articles tungkol sa panitikan na ito