HomeManilavol. 7 no. 1 (2011)

Tundo, 2000-2010 – Hamon ng Bagong Siglo

Gil G. Gotiangco Jr Ii.

Discipline: History

 

Abstract:

Ang pagdatal ng ikadalawampu’t isang siglo ay pagbadya ng maraming hamon, na noon pa lamang huling dekada ng ikadalawampung siglo ay pumailanlang ng karamihan dito ay mga usaping kumukunot sa mahapdi nang balat ng lipunang Tundo. Masasabing ito ay nakabubulabog ng mga isyung patuloy na bangungot sa matagal nang naninirahan sa distrito. Gayunpaman, may mga pangkat at mga pangyayaring nagpapahiwatig na may aasahang paunti-unting pagtugon sa mga tinurang katangian. Ang papel na ito ay isang preliminaryong pagsuri sa kasalukuyang pinagdaraanan ng mga naninirahan sa distrito ng Tundo. Pangunahin dito ang mga usaping panlipunan, na tumutuos sa pagdagsa ng maraming tao mula sa iba’tibang lugar at ang pag-usbong ng maramihang uri ng kabuhayan, na pinagbubuntuan ng mga madaling-unawaing suliranin at tanawin. Inaasam na mula sa isasalarawan, may lilinaw na mga istruktural at pangkalinangang punto na magsisilbing batayan ng patutunguhan ng isang Tundo na nasa isang sangangdaan.