HomeManilavol. 9 no. 1 (2013)

Bakla at Tomboy: Kulay at Drama sa Isa Pang Aspekto ng Lipunang Tondo

Gil G. Gotiangco Jr Ii.

Discipline: Philippine History

 

Abstract:

Isang makatawag-pansing aspekto ng lipunang Tundo ang hanay-bakla at tomboy. Para sa isang kalugarang napabantog sa iba pang pagsalarawan at pag-imahe, partikular ang madalas na hindi maunawaang kabalintunaan ng kagitingan at karahasan, ang pag-iral ng usaping bakla at tomboy ay tunay na pag-uukulan ng karampatang pansin. Kung tutuusin, hindi dapat pagtakhan ang pagkaroon ng bakla at tomboy sa lipunang Tundo. Ang ikinagugulat ng marami, lalo na sa labas ng distrito ay ang mabilis na paglaki ng kanilang bilang nitong huling tatlong dekada. Ang artikulong ito ay hindi pagtalakay ng mga maka-agham na pagpaliwanag ng tinurang penomenon. Gayunpaman, sa pamamagitan ng mga nakalap na datos (karamihan ay batay sa mga panayam at obserbasyon), nilalayong magagawaran ng karagdagang paglinaw ang ilan sa hindi madaling unawaing katanungan tungkol sa paksa. Ang pag-aaral ding ito ay hindi ukol sa kabuuan ng kasalukuyang tinaguriang mga “gay.” Ito ay pag-usisa sa sinaunang pagtukoy sa “bakla,” nangangahulugang lalaki na ang inaasam ay kapwa lalaki. Gayundin, ang pagtuon sa “tomboy” ay babae, na ang kinahuhumalingan ay kapwa babae. Sa kanilang hanay, walang babanggiting anumang klasipikasyon ng mga tomboy, ayon sa pinakahuling nasulat tungkol sa mga tomboy sa Pilipinas. Sa lahat ng isinagawang panayam, ni isa sa mga kinapanayam ay walang tumukoy sa kanilang katauhan, ayon sa pangkasalukuyang kategorisasyon ng mga tomboy sa buong mundo.2 Kung sakaling sa bandang huli ng artikulo ay may pagtukoy sa ilang paglihis sa tinurang 162 MANILA: Selected Papers of the MSA 21st Annual Conference kagawian, ang gayong pagsalaysay ay paglahad sa mga pangyayaring kailangang tunghayan dahil sa mga kaganapang bahagi ng mga dapat isalaysay, nguni’t labas na ng tinurang