HomeUswag Journal: Philippine Journal of Multidisciplinary Researchvol. 3 no. 2 (2025)

Persepsiyon ng mga Guro at Mag-aaral Hinggil sa Gamit ng OPM sa Pagpapalalim ng Kasanayang Pangwika at Pampanitikan sa Asignaturang Filipino

Ma. Sofia S. Llaguno

Discipline: Education

 

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang tumugon sa pangangailangang makabuo ng makabuluhang kagamitang panturo sa Filipino na may mataas na antas ng motibasyon at kontekstuwal na bisa. Iminungkahing gamitin ang mga Orihinal Pilipino Music (OPM) na likha ni Dr. Joel C. Malabanan bilang lunsaran sa pagtuturo ng wika at panitikan sa antas sekondarya. Isinangkot sa teoretikal na pundasyon ng pag-aaral ang Textualism theory (Manning, 1997), Constructivism theory (Piaget), Instructional Theory (Gagne), at QuasiExperimental Design, na humantong sa pagbuo ng Llaguno’s Theory of Musical Pedagogy - isang disenyong nagpapalagay na ang musika ay sentro ng motibasyon at makabuluhang koneksyon sa pagkatuto. Gamit ang inangkop na alituntunin at proseso para sa pagtatasa at ebalwasyon ng LRMDS: Formularyo ng marka para sa nakalimbag na kagamitan, sinuri ang dalawampung OPM batay sa nilalaman, kabuluhan, at antas ng pagkatuto. Isinagawa rin ang pagpaparinig ng mga awitin sa mga mag-aaral sa ikapitong baitang upang masukat ang antas ng pag-unawa. Lumabas sa resulta na karamihan sa mga awitin ay may malikhain at masining na pahayag, tumatalakay sa mga temang makabayan at moral. Napag-alamang ang mga awitin ay angkop, epektibo, at kapaki-pakinabang sa pagpapalalim ng kasanayang pangwika at pampanitikan ng mga mag-aaral. Ipinakita rin ng interbensyon ang mataas na antas ng pag-unawa, lalo na sa mga awiting may kontemporaryong tema. Ang paggamit ng OPM ay isang makabago at epektibong estratehiya sa pagtuturo ng Filipino. Inirerekomenda ang integrasyon ng musika sa kurikulum at ang mas malawak na pananaliksik sa interdisiplinaring paggamit nito sa edukasyon.



References:

  1. Armea, A. P., Castro, M. P., Llamado, M. N., Lotino, R. B., San Esteban, A. A., & Ocampo, D. M. (2022). English proficiency and literary competence of English major students: Predictor for effective language and literature teaching. Globus Journal of Progressive Education, 12(1), 141-151. https://doi.org/0.46360/globus.edu.220221019
  2. Amat, A. B. (2009). Pagsasalin ng epikong Datong Somangga and Bubu of Huamianum ni Francisco I. Alzina: Input sa paggawa ng panukalang modyul sa vernakular. [Di-Limbag na Tesis]. Pamantasang Normal ng Leyte.
  3. Bertillo, E. A. (2011). Ang epekto ng teknolohiya sa pag-uugali ng mga magaaral. https://www.bartleby.com/essay/Ang-Epekto-Ng-Teknolohiya-Sa-Pag-UugaliKD22LKRZYS.
  4. Bruner, J. S. (1996). The culture of education. Harvard University Press.
  5. Dela Cruz, J. L. (2020). Local government unit-academe partnership in the implementation of solid waste management program in the Philippines. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, 8(2), 1-10.
  6. Ebuenca, J. M. (2026). Paggamit ng tula bilang lunsaran sa pagtuturo ng mga makrong kasanayan sa baiting 7 [Di-nailathalang tesis masteral]. Leyte Norma University.
  7. Estevan, M. S. (2003). Ang pagtuturo ng bahagi ng panitikan sa paraang padula o pantao na binibigyang diin ang Chamber Theater o Dulaang Pasalaysay. [Paper presentation]. Pambansang Seminar-Workshop sa Filipino.
  8. Hontiveros, T. T. (2002). Pagdiriwang ng kapistahan sa Catanduanes: Repleksyon ng kulturang Catandunganon. [Unpublished Master’s thesis]. Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes.
  9. Novak, J. D. (1998). Learning, creating, and using knowledge: Concept maps as facilitative tools for schools and corporations. Lawrence Erlbaum & Associates.
  10. Seels, B. B., & Richey, R. C. (1994) Instructional technology: The definition and domains of the field. Association for Educational Communications and Technology.
  11. Sithamparan, S. (1991). Poetry in the learning of language [Paper presentation]. Seminar on Language Teaching, Kuala Lumpur, Malaysia.
  12. Tan, A. D. (2001). Mensahe sa ginanap na PRC IV oath-taking ceremonies of professional teachers.
  13. Villafuerte, P. V., Bernales, R. A., Protacio, R. M., Cantre, M. C., Sustento, E. S., Cabrera, H. I. Jr., Tuazon, Ma. N. Q., Salas, E. A., & Macaya, L. T. (2006). Panitikan ng mga rehiyon sa Pilipinas. Mutya Publishing House, Inc