HomeADDU-SAS Graduate Research Journalvol. 7 no. 1 (2010)

Saloobin at Suliranin ng mg a Mag-Aaral ng Ateneo De Davao University, Yunit ng Grade School sa Asignaturang Filipino

Leonaida Alaan-jardeloza

Discipline: Education

 

Abstract:

Layong mabatid ng pag-aaral na ito ang mga saloobin at suliranin sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng Ateneo de Davao University sa Taong Panuruan 2009-2010. Ninais din nitong malaman kung ano ang profile ng mga mag-aaral ayon sa kasarian at lenggwaheng ginagamit sa tahanan at ang saloobin at suliranin nila sa paglalahad ng aralin at pamamaraan ng guro, kapaligiran sa loob ng kampus, at kurikulum ng asignaturang Filipino. Deskriptibo ang pamaraang ginagamit sa pangangalap ng datos. Isang talatanungan ang ipinasagot sa 109 (59 na lalaki; 54 na babae) na mag-aaral ng ikaanim na baitang. Bilang mga tagatugon sa pag-aaral na ito, pinili sa pamagitan ng proportional na alokasyon. Limampu’t tatlo ng mga tagatugon ang gumagamit ng lenggwaheng Tagalog, 43 ang gumagamit ng lenggwaheng Bisaya at may 13 ang gumagamit ng lenggwaheng Ingles sa kanilang tahanan. Walang ipinagkaiba ang saloobin at suliranin ng mga lalaki at mga babaeng tagatugon. Sa tatlong lenggwaheng ginagamit sa tahanan ay nabatid na ang mga mag-aaral na gumagamit ng lenggwaheng Ingles ang may naiibang saloobin sa mga mag-aaral na gumagamit ng Bisaya at Tagalog, subalit walang ipinagkaiba ang kanilang mga suliranin sa paglalahad at pamamaraan ng guro, sa kapaligiran sa loob ng kampus at sa kurikulum ng asignaturang Filipino.