HomeLEAPS: Miriam College Faculty Research Journalvol. 34 no. 1 (2011)

Tungo sa pagbuo sa isang talatuluyang pangkurikulum Sa filipino sa sistemang batayang edukasyon Ng kolehiyo ng miriam

Edizon A. Fermin

Discipline: Education

 

Abstract:

ang pananaliksik na ito ay pagpapatibay ng layunin ng kolehiyo ng miriam na pahalagahan ang wikang filipino at ingles bilang mga magkatuwang na wika at disiplina. ginamit dito ang modelong teoretikal na aaa (authenticity, awareness, action) sa edukasyong pangwika na ipinakilala ni van lier (1996) at ang mga kaisipan nina spolsky (2004) at shohamy (2006). ginamit nito ang mixed methods research na kinabilangan ng labing-isang may tutok na pangkatang talakayan o focus group discussions (fgd), apat na sarbey ng mga pananaw sa pagkatuto at pagtuturo ng wikang filipino sa sistemang batayang edukasyon, at pagsusuri ng nilalaman ng mga umiiral na dokumento kaugnay ng mga programa sa wikang filipino. ang mga resulta ng sarbey ay isinailalim sa estadistikal na pagsusuri upang matukoy ang ugnayan ng mga pananaw ng guro at mag-aaral hinggil sa pagkatuto at pagtuturo ng wikang filipino.