HomeDLSU Dialogue: An Interdisciplinary Journal for Cultural Studiesvol. 10 no. 2 (1975)

Kasaysayan ng Pilosopiya

Wilfrido V. Villacorta

 

Abstract:

(Ouito, Emerita, Ang Kasaysayan ng Pilosopiya. Manila: De La Salle College, 1974. Sinuri ni Wilfrido Villacorta.)

 

Nang binasa ko ang ilang bahagi nita sa aking ama, aniya'y, "Kay gandang mabatid na ang kasalukuyang henerasyon ay matatamo ang karunungan ng mataas na kaisipan sa isang wikang makahulugan at tanging kanila." Nauunawaan ko ang sinabi niya, sapagka't noong kapanahunan niya, ang mga mag-aaral sa pamantasan ay kinakailangang makipagtuligsa sa Kastila, Griego, at Latin, nguniit hindi sa sarili nilang dila, na itinuring na pambahay lamang. Ilan nga ba sa atin ang nagnasang mabungkal ang mga isinasaad ng filosofia, na nababalot ng hiwaga di dahillamang sa kalaliman ng pananalita ng mga filosofo kundi dahil din sa kaibhan ng banyagang wika na ginagamit sa pag-aaral nito?