HomeThe Journal of Historyvol. 50 no. 1 - 4 (2004)

Majaradia Lawana: Isang Napapanahong Pagbasa

Reynaldo T. Candido Jr.

Discipline: History

 

Abstract:

Sa ating bansa, maliban kay Prop. Juan R. Francisco ng Unibersidad ng Pilipinas, hindi gaanong kilala at napagtutuunan ng pansin ang Majaradia Lawana.

 

Sa kanyang aklat ng From Ayodha to Pulu Agamaniog: Rama's Journey to the Philippines, masinsing tinalakay ni Francisco ang indigenization ng kuwentong Ramayana sa katimugang bahagi ng ating bansa-ang Mindanao. Ang pagsusumikap ni Francisco na itanghal sa atin ang epikong Majaradia Lawana ang nagsilbing inspirasyon ng pagaaral na ito upang suriin ang teksto mismo nito, na ang ''pagbasa'y'' nakatuon sa mga sumusunod: (1) kasaysayan ng etnolinggwistikong pangkat ng epiko; (2) sistemang pulitika; sistemang pang-ekonomiya; (3) sistemang panlipunan; (4) kosmolohiya (mga paniniwala ukol sa mundo. Kalikasan, atbp.); (5) sining at kultura; at (6) higit sa lahat, ang mga elemento, estilo, at pamamaraang pampanitikan ng pagkakasulat nito.

 

Sa pamamagitan ng gayong ''pagbasa'' at pagbibigay ng higit na tuon sa teksto, nais ng pag-aaral na ito na matukoy ang ginampanang papel ng epikong Majaradia Lawana sa pagbuo ng kultura at pilosopiya ng mga Maranaw bilang isa sa mga pangkat-etniko sa ating bansa na may maiinam na panitikang napanatili magpahanggang ngayon. Bukod dito, ninanais ng papel na ito na iangat sa higit pang mataas na pedestal ang epikong pinaniniwalaang isa sa napakaraming versyon ng Ramayana, ang isa sa pinakanatatanging epiko ng bansang India.