HomeThe Journal of Historyvol. 51 no. 1-4 (2005)

Ang Kapisanang Kudyapi at Iba Pang Mga Alagad ng Sining: Isang Preliminaryong Pag-aaral sa Kasaysayan ng Panitikan sa Bayan ng Noveleta Kabite

Emmanuel Franco Calairo

Discipline: Art, Philippine History

 

Abstract:

An papel na ito ay isang preliminaryong pag-aaral sa kasaysayang ng panitikan ng bayan ng Noveleta sa lalawigan ng Kabite. Binibigyang buhay sa papel na ito ang kasaysayan ng Kudyapi bilang lunduyan ng mga naging sikat na makata ng Pilipinas. Gayundin, tinatalakay sa papel na ito ang iba pang mga makata ng Noveleta na naging tanyag sa pambansang larangan.

 

Sa unang bahagi ay tatalakayin ang mga kilalang lawreyadong makatang taga-Noveleta na nagmula sa Kapisanang Kudyapi. Kabilang sa mga ito sina Teo Baylen, mga obra na bagama’t umangat ang kanilang katanyagan sa pambansang larangan ay nanatili pa rin sa kanilang sulatin ang kasaysayan ng kanilang pook.

 

Bukod sa Kudyapi ay tatalakin naman sa ikalawang bahagi ang iba pang mga alagad ng sining sa Noveleta tulad ng mga Ricafrente, Alvarez, at Medina. Ipapaliwanag sa bahaging ito ang kanilang pagpupunyagi mula nang ito ay itatag hanggang sa makilala sa bayan ng Noveleta.