Discipline: Cultural and Ethnic Studies, Philippine History
Ang papel na ito ay tungkol sa pag-aaral ng kultura ng anting-anting sa lalawigan ng Cavite. Ang mga taga-Cavite ay may malakas na paniniwala sa bisa ng anting-anting. Ang taong patuloy na tumatangkilik sa mga ito ay matatagpuan sa iba't ibang dako ng lalawigan.
Maaaring siya ang kilalang manghihilot sa kabilang barangay, gumagamot sa mga natutuklaw ng ahas o kagat ng hayop, o nagpapagaling sa mga nauusog ang tiyan. Maaari rin namang sila iyong samahan na sumusubok na magpatata sa kanilang mga katawan tuwing sasapit ang Mahal naAraw at umaakyat sa bundok Banahaw kapag sila ay nagpapalakas ng kanilang mga proteksiyon sa katawan.