Discipline: History
Ang potograpiya ay nagsilbing daluyan ng kolonyal na representasyon hinggil sa Pilipina. Ang representasyon ay kumakatawa sa kolonyl na ideolohiya. Kung sino man ang may control sa moda ng representasyon ay siya rin ang nakakapagdomina.
Ang potograpiya ay maaaring magbaluktot at magpasama sa mga tao at lugar na kinunan ng litrato sa paraang teknikal at sustantibo.
Sisipatin at susuriin sa papel na ito ag mga hulagyo (imahe) ng mga larawan ng mga Tinguian mula sa Album de Tipos Filipinos Luzon Norte (1891) at Illustración Filipina ay isang regulr na publikasyon na Museo Oriental sa Valladolid, Espanya. Sampung (10) larawan ng mga Tinguian sa Abra/Kordiyera ang nagtanghal sa katawan at katauhan ng mga katutubo paa sa mga Europeong tagamasid. Maipapakita sa papel na ito na ang katawan ay nagsilbing larangan ng pampulitikang komprontasyon ng mga katutubo at kolonyalismo. Sa kabila ng eksotisasyon at paglikha sa katutubo bilang “Iba,” may natatagog subersibong potensyal ang mga nasa loob ng kuwadradong larawan.