HomeThe Journal of Historyvol. 38-39 no. 1-2 (1994)

Ang Papel ng mga Siyudad/Lunsod sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Paglilinaw

Maria Luisa T. Camagay

Discipline: History

 

Abstract:

Noong aking isasalin ang "city"sa Pilipino ako ay nagkaraon ng dalawang kahulugan. Ito ay ang salitang siyudad at lunsod. Batay sa diksyunaryo ang siyudad ay isang pamayanan na malaki at maunlad sa karaniwang bayan samantalang ang lunsod ay bayang itinatag dahil sa pag-aangkin ng mga katangiang itinakda ng batas, pinagkakalooban ng malasariling pamahalaan sa pamamagitan ng isang kartang binuo sa batasan, nilagdaan at pinagtibay ng kataastaasang pinuno ng bansa (tulad ng pangulo) at pinamamahalaan ng isang alkalde at mga konsehal. Sa dalawang salita lamang na ito mahihinuha na natin ang kasaysayan. Higit na luma ang salitang "siyudad" na hiram natin sa salitang Kastila kaysa sa salitang "lunsod" na sa aking haka-haka ay maaaring salitang nalikha noon panahong Komonwelt. Bakit ko nasabi to? Sa dahilan na ang mga "chartered cities" na tinutukoy sa kahulugan ng lunsod ay sinimulan lamang noong panahon ng Komonwelt. Ang mga lunsod na itinatag sa pamamagitan ng lehislasyon ay sinimulan noon nabanggit na panahon.

 

Nahahati sa dalawang bahagi ang maikling papel na ito. Ang unang bahagi ay tatalakay sa paksang kung ang Pilipinas ba ay may tradisyong panglunsod. Ang pangalawang bahagi ay tatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng pagsusulat ng kasaysayan ng mga siyudad/lunsod ng Pilipinas at ang kinabukasan nito.