HomeThe Journal of Historyvol. 38-39 no. 1-2 (1994)

Ang Urbanisasyon ng Lalawigan ng Kabite

Isagani R. Medina

Discipline: History

 

Abstract:

Pambungad

Ang Kabite ay nabahati sa tatlong lugar na pisyograpiko: Kapatagan sa may hilagang bahagi, ang Gitna o lugar ng pagbabagong anyo, at ang Kaitaasan sa may bahaging timog. Ito'y sumasaklaw sa lawak na 1,287.5 kilometro kuwadrado at binubuo ng labing-siyam na munisipyo at tadong lungsod. Noong 1981, ang populasyon ng Kabite ay 771,796 0 may densidad na 599.6 tao sa bawat kilometro kwadrado, at ika-19 na pinakamaraming populasyon sa kabuuang 73 lalawigan sa Pilipinas. Noong 1960 hanggang 1970 ang bilis ng pagdami ng tao sa Kabite ay 3.24% at noong pagitan ng 1970 hanggang 1975 ay tumaas at naging 3.85%. Ang Kabite ay nakakarami ng bilang na urban noon pa mang 1970 at patungo na sa urbanisasyon. Halos 60% ng populasyon ay 134,779 lamang at sa loob ng 72 taon (1903-1975) ito ay nadagdagan ng 36%, na medyo maliit kung ihabambing ngayon.

 

Tinatalakay ng papel na ito ang pinagmulan at pinagdaanan ng Kabite- mula noong unang panahon hanggang pagkatapos ng panahong kolonyal. Nabanggit din ang iba't ibang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Kabite hanggang sa urbanisasyon nito, kabilang ang biglang paglakas ng pagsasaka (agricultural boom)

at pagsulpot ng mga bayang asyenda (hacienda towns) at  ang pagtatatag ng mga bayan sa kapatagan at kaitaasan.