Discipline: History
Tanggap nating lahat na ang kasaysayan ay tala ng mga may kabuluhan gawa natin sa ating personal o panglipunang buhay. Subalit, dahil sa limitasyon ng atig kakayahan sa pag-aalala, maliit na bahagdan lamang ng ating mga karanasan ang naitatala sa isang kapanahunan. Dahil dito, masasabing maraming kulang ang kaalamang naitala na sa kasaysayan. Ang mga kulang ay maaari ng mapunuan sa pamamagitan ng kasaysayang pasalita. Ang kasaysayang pasalita ay isang pamamaraan ng pagkuha ng hindi pa naisulat na batis ng kasaysayan.
Ugali na ng karamihan sa ating mga Pilipino na ibabahagi ang atin mga karanasan sa buhay sa pamamagitan ng pagbigkas na paraan sa halip na pagsulat. Ang kasaysayang pasalita ang angkop na pamamaraan na matulungang makuha at maitala ang mga karanasag ito. Sa pamamagitan ng interbyu, nailalabas ang mga dating nakahimlay sa ala-ala na mga karanasang maaring magsilbing batis ng kasaysayan. Nasa anyong pabigkas sa simula ag mga batis na ito, subalit madali namang maitatala oras na pagtuunan ng pansin ng mga historyador.
All Comments (2)
Mary Nicole Manlangit
8 months ago
Hello I cant access the text
Mary Nicole Manlangit
8 months ago
Hello I cant access the text