HomeThe Journal of Historyvol. 57 no. 1 (2011)

Agricultural Colonies sa Pikit-Pagalungan

Rudy B. Rodil

Discipline: History

 

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na tingnan ang detalye at suriin ang proseso ng pagsisimula ng mismong pagpasok ng mga dayo mula sa Luzon at Kabisayaan sa daigdig ng mga Moro sa Mindanao, lalo na sa Cotabato, at unawain ang rationale o kadahilanan sa likod nito. Sa agricultural colonies ng Pikit-Pagalungan ng lambak ng Cotabato nagsimula ang prosesong ito noong 1913. Sa pagsuyod sa mga detalye maliliwanagan natin na ang isa sa pinakamaselang problema na kinakaharap ng gobiyerno sa kasalukuyan ay ang paggigiit ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kilalanin ng pamahalaan ang karapatan ng Bangsamoro sa kanilang lupaing ninuno o ancestral domain.