HomeSaliksik E-Journaltomo 2 bilang 1 (2013)

Ang Pariancillo ng Molo, Iloilo sa Pagtatagpo ng Hiligaynon at Hok-kien bilang mga Wikang Pangkalakalan noong Dantaon 18

Randy M. Madrid

Susing salita: Social Science

 

Abstrak:

Pangunahing layunin ng artikulong ito ang mailatag ang naging papel ng pariancillo ng Molo, Iloilo sa pagtatagpo ng Hiligaynon at Hok-kien bilang mga wikang pangkalakalan noong dantaon 18 sa pamamagitan ng malawakang pagsusuring gamit ang mga kaparaanan at metodolohiyang pangkasaysayan upang maipakita ang proseso ng pag-aangkin ng Hiligaynon ng mga salita mula sa Hok-kien dulot na rin ng maunlad na kalakalan sa pagitan ng mga Tsino at Ilonggo.  Magsisilbing mahalagang salik ang pariancillo sa magiging talastasan ukol sa pag-aangkin at pagsasakatutubo ng mga salita mula sa labas sa wikang Hiligaynon at kung paano naganap sa pagtatagpo ng dalawang lenggwahe ang pag-aangkop at indihenisasyon ng Hok-kien na tumpak na inilarawan sa paglitaw ng mga salitang kolektibong tinawag na “Sina” bilang bahagi na ngayon ng wikang Hiligaynon.  Tutukuyin din ang kakayahan ng wikang Hiligaynon sa larangan ng kalakalang Tsino-Ilonggo na mag-angkin at umangkop sa mga pagbabago mula sa labas kung saan ang nasabing pagtatagpo ay sumailalim sa proseso ng amalgamasyon.  Saklaw ng artikulong ito ang siglo 18 na nagsilbing tagsibol ng patakarang kolonyal ng mga Bourbon sa Pilipinas kung saan bahagi nito ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa mga mamamayang Tsino kasabay ng malawakang pagsupil ng puwersang Moro sa Mindanao at Sulu.