Susing salita: Social Science
Para sa pambungad na ito, binigyang-diin ang paggamit sa buhay at pakikibaka ng mga bayani bilang bintana sa lipunang pinanggalingan. Gayundin, nagbalik-tanaw sa talastasan ukol kay Andres Bonifacio, sa Katipunan, at sa Himagsikan pagkatapos ng 150 taon. Sa huli, isa-isang ibinuod ang mga artikulo at rebyung kabilang sa natatanging isyung ito ng SALIKSIK E-Journal bilang patuloy na pagtuklas, pagbibigay-kahulugan, at pagpapaliwanag ng kapookan, kaisipan, at kabayanihan ni Bonifacio.