HomeSaliksik E-Journaltomo 3 bilang 2 (2014)

Ang Tundo ni Bonifacio, Si Bonifacio sa Tundo

Nancy Kimuell-gabriel

Susing salita: Social Science

 

Abstrak:

Ang lahat ng rebolusyonaryo ay nakapook.

 

Produkto siya ng sariling kultura—katayuan sa buhay o uring pinagmulan, sikolohiya ng kanyang lahing kinabibilangan, uring kinapapalooban, edukasyong tinamo, babasahin at mga teoryang sinagap, pakikipagtalastasan kung kani-kaninong tao, sariling danas at kolektibong danas, at internal at eksternal na kaganapan.  Sa bandang huli, ang ikikilos niya ay itinatakda ng kanyang kabuuang kamalayan at pagkatao.  Talakay ng artikulong ito ang kapookan ni Gat Andres Bonifacio at kung paano siya tumugon sa hamon ng kanyang pook at panahon.  Galing si Andres sa bayang anak-pawis at hinubog siya ng taal na kalinangang bayan, dalawang elementong magbibigay-kahulugan sa kanyang suri at tindig sa lipunang kinukubabawan ng dayuhan. Bagama’t siya’y taga-Tundo, maaaring sabihing ang bayani ay hindi lang taga-pook ng Tundo kundi ng Inang Katagalugan.  Taglay niya ang kamalayan ng isang Tagalog/Pilipino na kumilos para wakasan ang dayuhang pananakop at kamtin ang kalayaan ng Inang Bayan.  Isa siyang dakilang Anak ng Bayan!.