HomeSaliksik E-Journaltomo 3 bilang 2 (2014)

Mga Bagong Pagtingin kay Bonifacio at sa Katipunan

Angelito S. Nunag

Susing salita: Social Science

 

Abstrak:

Isang daan dalawampu’t dalawang taon na ang nakalilipas simula nang itatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan subalit marami pa ring mga tanong at usapin ang bumabalot at naghihintay ng mga kasagutan ukol sa Supremo at Pangulo ng Haring Bayan Katagalugan at sa itinatag niyang kilusan.  Ang papel na ito ay isang pagtatangkang bigyang-kasagutan ang ilan sa mga tanong at usaping ito.  Naglalaman ito ng mga bagong asersyon, pagtingin, at pagtatasa ukol kay Bonifacio at sa Katipunan na taliwas sa namamayaning pananaw at tradisyunal na pag-aaral ukol sa Himagsikang Pilipino.

 

Gamit ang mga primaryang batis na nagmula sa Archivo General Militar de Madrid, ipapakita ng papel na ito kung saan nakabatay at nakaugat ang pagtatatag sa Katipunan; kung kailan at ano ang tunay na pinagmulan nito; at kung ano ang mga ideya at konseptong bumabalot at naghahari kay Bonifacio at sa mga Katipunero sa kanilang pagtatatag ng isang kaayusan at kabuuang sosyo-pulitikal-kultural na taal lamang sa kanila bunga ng kanilang mga partikular na karanasan bilang bahagi ng Katagalugan—isang kabuuang sumasaklaw sa lahat ng mga tao at bayan na tumubo sa sangkapuluan.