HomeSaliksik E-Journaltomo 3 bilang 2 (2014)

Ang “Kalibre 45” at ang Pakikibaka ng mga Mandirigmang Pilipino

Lorenz Lasco

Susing salita: Social Science

 

Abstrak:

Itinuturing ang M1911 .45 Automatic Colt Pistol (ACP) na pinakatanyag na pistola sa buong mundo.  Pangkaraniwang tinatawag natin ito na “kalibre kwarenta’y singko” o “kwarentay-singko.”  Naging opisyal na baril ang M1911 ng U.S. Army noong 1911, bilang kapalit ng mas mabagal na iputok na .38 at .45 na mga kalibre ng rebolber na nauna rito.  Kinailangan ng mga Amerikano ang malaking kalibre (.45) at mabilis na iputok na baril (semi-automatic), dahil sa hirap na inabot nila sa pagpapabagsak ng mga Pilipinong bolomen o kris-men, gamit ang mga naunang baril nilang nasabi.  Naganap ang mga labanan noong 1899-1902 sa Luzon at Kabisayaan, at noong 1903-1913 sa Mindanao at Sulu.  Kung gayon, ang nagsilang sa M1911 ay ang nasabing mga ninunong mandirigma na lumaban kontra sa Estados Unidos at bago pa noon, laban sa España.