Discipline: Literature, Music, Panitikan
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matalakay at masuri ang mga pananalig pampanitikan sa sampung (10) mga piling kathang awitin ni George M. Canseco: pagdulog sa pagsusuri ng mga bisang pampanitikan bilang lunsaran sa mga kagamitan ng pampagtuturo. Sa unang kabanata ang katuturan ng mga pagtalakay at kahalagahan ng pag-aaral. Binigyang diin ang mga totoong kaganpan sa buhay na salamin ng panitikan. Kasali ang mga kahalagahan ng mga awitin bilang isang tunay na literatura na tagahatid ng damdaming pangmoral, pansosyolohikal at pansikolohikal. Sa ikalawang kabanata tinalakay ang kaugnay na literatura at mga pag-aaral sa pamantasan. Sa ikatlong kabanata, inilahad ang paraan sa pagsusuri ng pagaaral na ginamit ang disenyong palarawan o dekriptib, kwalitatib, kritikal na pag-analisa, at pag-analisa batay sa nilalaman.
All Comments (1)
Jenny
9 months ago
f