HomeDALUMAT E-Journaltomo 1 bilang 2 (2010)

ANG UNANG GAT NG LALAWIGANG RIZAL: ISANG UNANG PAGTATANGKA SA MULING-PAGBUBUO SA BUHAY AT KATAUHAN NI GAT SALYAN MAGINTO

Vincent Louise Amante

Susing salita: Kalinangang bayan

 

Abstrak:

Sa pagbubuo ng kasaysayan ng isang bayan, isang maselang gawain ang pangangalap ng mga datos na may 400 taon na ang nakalilipas. Kaya hindi maiiwasang hagilapin at itala ang mga alamat at kuwentong bayan tungkol sa lugar na tinutukoy. Bilang isang dumayo’t naninirahan sa lalawigan ng Rizal, sa bayan ng Binangonan, pinili kong alamin ang pagpapangalan sa mga bayan ng aming lalawigan batay sa mga nakalap na alamat at kuwentong bayan ng mga ito. Pinili ko ang Isla ng Talim sa Lawa ng Ba’i at dito ituon ang aking saliksik mula sa makukuha kong mga alamat ng mga bayan ng Rizal. Matagal na akong nahihiwagaan sa islang ito mula pa noong nasa elementarya ako. Mula sa tuktok ng aming bubong ay tanaw ko ang lawa at ang isla. Lalo pa akong namangha nang maakyat ko ang burol sa aming subdibisyon at ituro ng ilang kaibigan ang Bundok Tagapo na mas kilala bilang Bundok ng Susong Dalaga ng nasabing isla.