Sa kosmolohiya ng Kapilipinuhan noong Dating Panahon (bago pa mag ika-16 na daantaon MK), may pinaniniwalaang tatlong antas ang kosmos o uniberso. Ang mga ito ay ang Kaitaasan (o Kalangitan), ang Lupa, at ang Kailaliman. Buhat sa pinaniniwalaang mga anito na nananahan sa Kaitaasan at sa Kailaliman, doon kumuha ang mga Pilipino ng disenyo sa pang-araw-araw na kagamitan, kasama na rin ang disenyo ng mga sandata.