Noon pa mang Dating Panahon (bago mag ika-16 na daantaon MK), mayroon ng sariling sining ng pakikipaglaban ang Kapilipinuhan.‘Kalis’ ang tawag dito, at laganap ang paggamit nito sa mga kapuluan na naging Pilipinas.Iba’t ibang uri ng patalim, pati pambambo, ang gamit sa kalis. Ang lahat ng mga ito ay makikita sa pag-aaral ng mga lumang talasalitaan ng mga prayleng Espanyol. Ang kalis ang siyang pinanggalingan ng ngayon ay tinatawag na arnis, eskrima, o kali.