Layunin ng pag-aaral na ito na mataya ang aktwal na pagtuturo ng guro sa Filipino ayon sa sariling persepsyon ng guro, ng kanilang mag-aaral at ng kanilang tagapamahala tungkol sa mga katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino. Nilalayon ding sagutin ang mga sumusunod na katanungan: (1) Anoano ba ang sariling persepsyon ng guro, mag-aaral at tagapamahala ng mahusay na guro sa Filipino?, (2) May pagkakaiba ba ang sariling persepsyon ng mga guro, mag-aaral at mga tagapamahala hinggil sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na guro sa Filipino?, (3) Ano-ano ang mga katangiang ipinapakita ng mga guro sa kanilang aktwal na pagtuturo?, at (4) Nasasalamin ba sa aktwal na pagtuturo ng mga gurong kalahok ang mga persepsyon nila, ng kanilang mag-aaral at tagapamahala hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino? persepsyon ng mga guro, mag-aaral at tagapamahala; mga katangian ng mahusay na guro sa Filipino; aktwal na pagtuturo o praktis ng mga guro sa Filipino